Usap-usapan ngayon sa social media ang isang lalaki na nagtitinda ng mais habang buhat-buhat ang kaniyang anak na isang buwang gulang pa lamang.

Ayon sa post ng concerned citizen na si Cristina Magpuyo Birao, nadaanan niya raw ang isang lalaki na naglalako umano ng paninda nitong hilaw na mais habang buhay nito ang isang buwang gulang na bata.

Sa pahayag ng naturang lalaki, kailangan raw nito umanong kumayod para may makain silang mag-ama dahil iniwanan raw sila ng kanyang asawa kasama ang isa pa nilang anak.

Dahil wala na nga silang kasamang iba na maaari sanang magbantay sa bata, napilitan siyang isama ang kanyang anak na 1-buwan gulang sa paglalako ng mais.

Humihingi umano ng konting tulong si Cristina para sa mag-ama dahil kawawa naman umano ang sanggol dahil bilad ito sa araw dahil sa paghahanap-buhay ng kanyang ama.

Naway may mabuting loob ang tumulong sa mag-ama alang-alang narin sa 1-buwang gulang na bata na wala pang kamuwang muwang dito sa mundong ibabaw.

Narito sa baba ang kabuuang post ni Cristina Magpuyo Birao sa mismo nitong Facebook Account.

“King Brian A.K.A Marian kung taga Barangay Batasan ka makikilala nyo sya nadaanan ko po sya habang nagtitinda kasama ang isang buwang baby nya.

Nakakalungkot kailangan nyang kumayod para mapakain ang baby nya dahil ung nanay itinakas ang isa nilang anak at kaya niya dala-dala ang baby nya dahil walang magbantay (opo naka uniform po ako at trabaho ko po sana ang kuhanin sila or bigyan ng violation pero sa paliwanag nya bilang magulang naiintindihan ko po sya…)

Humihingi lang sana ako ng kaunting tulong para kahit papaano nasa bahay nalang sana sya magtinda para di’ na ma expose ang kanyang baby sa mga gustong tumulong po puwede nyo po ako kontakin o kaya sa ating brgy. dahil kulang po ang naibigay kong tulong sa kanya kahit papaano may panggatas sya sa baby nya… PLS. RESPECT my post po”

Source: Rachfeed