Ang pagpapakasal ay talagang pinag iisipan, pinag paplanuhan at pinagkakagastusan.

Madaming panahon at pera ang iginugugol dito upang masiguro ang kaayusan sa isang napakahalagang araw sa dalawang taong nag-iibigan.

Ngunit paano na lamang kung sa mismong araw na ito ay bumalik ang tao mula sa iyong nakaraan at nanggulo? Ganoon na lamang ang nangyaring eskandalo sa kasalang naganap sa bansang China.

Payapa ang kapaligiran at naisaayos na ang lahat ng kagamitan para sa araw ng kasalan. Dumating ang mga panauhin sa simbahan pati na rin ang groom na talaga naming bakas sa mukha ang kaniyang kasiyahan.

Ilang sandali pa at dumating na ang puting kotse na may pumpon ng puting bulaklak sa harap.

Marahan na bumaba ang bride habang kinukuhanan ng video at picture ng camera man. Binuksan ang pinto ng simbahan at lumakad ng nakangiti papuntang altar ang bride.

Nasaksihan ng lahat ang palitan ng mga pangako ng dalawang magkasintahan sa harap ng pari at altar. Nagpalitan na din sila ng “I do’s” kaya’t ang pinakahihintay ng madla ay ang “kiss the bride”

Maging ang mga camera man ay abala sa paghahanap ng magandang anggulo para makuhanan ang mga bisita lalo na ang ikinakasal nang biglang may pumasok sa loob ng simbahan na isang babaeng nakasuot din ng wedding gown at tumakbo papunta sa groom.

Hinawakan ng mahigpit ang kaniyang kamay at lumuhod. Paulit ulit na humihingi ng tawad at sinasabing “it’s my fault”.

Ang babaeng ito ay kaniya palang ex- girlfriend. Humahagulgol ang babae ngunit ang bride ay humakbang na lamang palayo dahil sa labis na pagkagulat sa ginawa ng ex- girlfriend ng kaniyang asawa.

Dahil sa labis na kahihiyan at sakit na nararamdaman ay tumakbo palabas ang bride at hindi nagdalawang isip ang groom na habulin ang kaniyang asawa at hayaang umiiyak ang kaniyang ex- girlfriend na sumira ng kanilang kasal

Ang lahat ng bisita at pinanigan ang bride at kinasuklaman ang ex girlfriend ng groom dahil sa gulong idinulot nito sa buong okasyon.