Ang pagkakaroon ng relasyon ng dalaga at binata ay normal lamang, dito nagsisimula ang pagkakaroon ng plano na bumuo ng pangarap at ng masayang pamilya.

Subalit bago nila ito magawa ay kinakailangan muna nilang gawin ang isang bagay na pinakamahalaga sa isang magkarelasyon ito ay ang magpakasal.

Ang kasal kasi ang pinaka-importante pagdating sa pag-aasawa ito ang simula ng kanilang pangarap na magsama ng legal sa batas at sa mata ng Diyos.

Dito magiging abala ang dalawang magkarelasyon para sa kanilang preparasyon sa maayos na kasal.

Marami silang bagay na dapat gawin at ayusin sa kanilang espesyal at pinakamasayang araw.

Subalit hindi lahat ay nagiging masaya sa mismong araw ng kanilang kasal, Katulad na lang sa nangyari sa isang kasalan na ginanap sa bansang China.

Sinimulan ang araw na banayad ang panahon at maaliwalas na tila nakisama sa kasalang magaganap. Unang dumating mga panauhin sa simbahan at makikita sa mukha ng groom ang kasiyahan.

Ilang sandali lamang ay huminto ang isang kotseng puti na puno ng mga bulaklak na naturang gayak nito. Bumukas ang pintuan ng sasakyan at dahan-daham bumaba ang bride na nakangiti.

At doon nagsimula ang okasyon ng pumasok na sa loob ng simbahan, Sa altar ay naroon ang Pari na naghihintay sa ikakasal ang lahat ay excited na sa gaganaping pqg-iisang dibdib.

Maging ang mga kamera-man ng mga oras na yon ay abala upang kunan ang lahat ng anggulo sa kasalang nagaganap.

Sinimulan ng Pari ang banal na seremonya sa kasalan hanggang sa magpalitan ng “I do’s ” ang mga ikinakasal.

At nang dumating na sa oras na sabihin ng Pari sa groom na “You may now kiss the Bride” habang nag-aabang ang lahat ng panauhin ay bigla nalamang napawi ang atensyon ng lahat sa mabilis na pagpasok ng isang babaeng nakasuot din ng puting gown na dumaretso sa dalawang ikinakasal at doon mabilis na hinawakan ang groom sa kamay nito at umiiyak na nagso-sorry at sinabing “It’s my Fault”.

Hindi humihinto sa paghingi ng tawad ang naturang babae sa groom habang umiiyak.

Labis naman na nagulat at nagulantang ang naturang bride. Habang ang groom ay todo ang paliwanag sa kanyang bride na sobra ang sama ng loob at mas minabuting tumahimik lang at humakbang palayo.

Agad-agad naman hinabol ng groom ang kanyang bride palabas ng simbahan.

Lahat ng bisita ng naturang kasal ay sumuporta sa bride at inunawa ito kung bakit ito lumabas. Habang wala ni-isa ang lumapit sa umiiyak na Ex-Girlfriend.

Ang lahat ay dismayado sa naturang Ex-Girlfriend dahil sa ginawa nitong pag-eeskandalo at pagsira sa maayos atasaya sanang kaganapan.

Narito sa baba ang kabuuang Video.