May kasabihan nga tayong mga Pilipino na “Kapag may tiyaga, may nilaga” mga kasabihan yan at kataga na namana natin sa ating mga ninuno natin at talaga naman napatunayan na ito ng marami na sa kanilang pagtitiyaga sila ay umunlad sa buhay.

Katulad nalamang sa kwento ng buhay ng isang Vendor ng Fishball, Kwek-Kwek at Kikiam.

Dahil sa kanyang Pagsusumikap , pagtiyatiyaga at pagtitinda ng mga streetfood ay napagtapos noya ang kanyang apat na anak hindi lamang hayskul maging sa kolehiyo at napagtapos niya ang mga ito.

Ibinahagi sa social media sng kwento ng Fishba Vendor ng isa sa kanyang mga anak na si Girle Versoza.

Ayon kay Girle “dahil sa pagpupursige, sipag at determinasyon ng kanilang ama na sila’y mapagtapos ay sinukliaan nila ito ng mga medalya”.

Pahayag naman ng kanilang Ama,
“Wala nang mas gaganda pang kapalit ang lahat ng aking pagsisikap sa inyo na makapag tapos kayong lahat ng pag-aaral hindi lamang ng hayskul maging sa kolehiyo upang magkaruon kayo ng magandang kinabukasan”.

Labis-labis ang pasasalamat ng kaniyang mga anak sa Padre de Pamilya dahil sa sakripisyo at hirap na tiniis nito makapagtapos lamang sila ng pag aaral.

“Maraming salamat sa Papa ko at Mama ko alam kopo na marami kayong gutom na tiniis marami kayong panghihiya ang pinaraya marming araw na tirik man ang araw tinitiis parin kahit nahihilo na puyat at pagod lahat ginagawa para lang makapag tapos kami ng pag-aaral maraming maraming salamat po” saad ni Girle.

Nangako naman ang magkakapatid sa kanilang magulang na susuklian nila ang lahat ng sakripisyo at hihigitan pa ang ginawang kabutihan ng kanilang ama para sa kanila.