Madami ang mga magandang naidudulot ng mga online shopping at maging online nap ag order ng pagkain lalong-lalo na ngayon na takot ang mga taong lumabas at makisalamuha pa sa iba upang makabili ng kanilang cravings at comfort foods. Kaya naman naging malaking tulong ang mga food delivery riders.

Sa kabila ng mabuti at magandang benepisyo na naibibigay nila sa mga customers, may ilan pa din ang tila walang magawa sa buhay at nagagawa pang manloko sa mga seryosong nagtatrabaho para kumite ng pera para sa pamilya.

Isa na namang kaawa awang delivery rider ang nabiktima umano ng biglaang pagkakansela matapos umorder ng napakaraming pagkain sa iba’t ibang restaurant na umabot ang presyo sa P5,800.

Ayon sa food delivery rider ng Food Panda na si Bernard Enriquez na nagbahagi ng kaniyang karanasan ukol sa nasabing panloloko.

Ayon dito, nagpunta siya sa nasabing apartment at hinanap ang customer na nagpakilala bilang Jane Castro ngunit ayon sa mga taong nakatira malapit dito, wala daw ganoong pangalan ang naninirahan doon.

Bigla naman daw itong nagkansela at hindi na macontact pa. Kaya naman sa laki ng binayaran ni Bernard, nanghingi siya ng tulong sa kaniyang mga kaibigan upang maibalik ang kaniyang paluwal.

Ganoon din ang ninais ng mga netizens na nakabasa nito na magbigay ng tulong kay Bernard.