Lahat tayo ay may kanya-kanyang paniniwala ngunit hindi parin maiaalis sa atin na tayo ay iisang lahi tayo ay pare-parehas na tao.

Katulad nalamang dito sa ating bansang Pilipinas lahat tayo ay Pilipino ngunit mayroon tayong ibat-ibang relihiyon tulad ng Muslim, Inglesia at Kristiyano kung saan pagdating sa buhay pag-aasawa ay ibat-iba ang paniniwala.

Gaya din sa ibang bansa mayroon din kanya-kanyang paniniwala pagdating sa relasyon, Tulad ng kwento ng isang 19-angos na dalaga na ikinasal sa isang 58-na taong gulang na lalaki na tinaggihan sa pag-ibig ng Ina ng dalaga.

Ayon sa kwento, ikinasal umano ang 58 taong gulang na Lalaki mula Indonesia sa isang 19-anyos na babae ito ay matapos umanong tanggihan ng Ina ng dalaga ang proposal na ibinigay ng naturang Lalaki.

Nakilala naman ang Lalaki na si Bora, nagpropose umano si Bora sa Ina ng dalaga ngunit ito ay nabigo at tinanggihan siya nito.

Ngunit bilang kapalit umano nito ay ang pag-alok ng Ina sa kaniyang nakatatandang anak na babae para ikasal kay Bora.

Ayon sa ulat mula sa Kompas, ang wedding ceremony ng dalawa ay ginanap sa Cippaga Hamlet, Bana Village, Bontocani district sa South Sulawesi noong Abril 7.

Saad din sa ulat, nagbigay umano si Bora ng tinatayang 10 million rupiah o RM2,837 at isang hektaryang lupain sa dalaga bilang handog dito at sa pamilya nito para sa pagpapakasal sa kaniya.

Pahayag naman ng Head of Bana Village na si Ishak sa napagkasunduan ng dalawang naturang kampo maayos at matagumpay daw umano ang kasal nina Bora at ang naturang dalaga.

Ani Ishak, “With the agreement of both of them, the wedding was held.”

Sa inilabas na Ulat sa Indonesia ng Harian Metro, sinasabing si Bora ay isang single man at namumuhay lamang ng mag-isa habang ang kanyang bride ay napag-alaman na panganay na babae sa tatlong magkakapatid.

Ang mga magulang ng naturang bride ay matagal na umanong divorced ilang taon narin ang nakalilipas at silang lahat na magkakapatid ay binubuhay nalamang mag-isa ng kanyang Ina na isang magsasaka.

Ayon kay Ishak, ang nangyari umano na kasal ay base sa pagmamahal ng dalawa sa isa’t isa para mapagtibay at patatagin ang relasyon ng kanilang pamilya.

Ang naturang kwento ni Bora ay naging usap-usapan sa social media at umani ng ibat-ibang komento at reaksyon sa mga netizen.