Ang pagkakaroon ng aksidente sa kalsada ay halos araw-araw natin nababalitaan kaya naman lagi sinasabi at payo ng mga awtoridad at pamahalaan na ang kinakailangan ay ibayong pag-iingat lalo na sa mga motorista na palaging bumibiyahe ng gabi dahil mas mahirap makita ang daan at kasalubong na sasakyan.

Samantala, kung sa hindi inaasahan na ikaw ay mamalasin at masangkot sa isang aksidente dagdag alalahanin pa ito at gastos sa maaari mong bayarang damage sa nakabanggaan mong sasakyan at sa iyong sasakyan.

Subalit mayroong isang babae na mula sa Guilin Guangxi, China na may kakaibang uri ng pakikipag areglo sa kanyang nabanggang sasakyan napag mamay-ari ng isang lalaki.

Ayon mismo sa ulat World of Buzz, ang naturang babae ay may-ari ng isang brown na BMW na sasakyan at ang naka-banggaan naman nito ay may-ari ng silver na sasakyan.

Sa video nakuha mismo ng mga naka-saksi, walang sinuman ang mag-aakala na magkagalit ang dalawang panig.

Dahil makikitang tila nilalambing ng babae ang nakabanggaan nitong lalaki at may pahaplos pa ito sa katawan ng lalaking nakaitim.

May mga sandali pa nga na nakuhanan sa video na magka holding hands ang dalawa. Mapapansin din na tila mahinahon ang lalaki dahil sa ginagawa ng babae sa kanya.

Ilang sandali nga lang sa video ay maririnig ang babae na sinabi ang mga katagang ito.
“Everything can be solved.”

Sumagot naman ang lalaki na patanong na paano ito mangyayari? Narito naman ang sagot muli ng babae sa lalaki “You can do Anything.”

Mayroon pang ilang video na lumabas na makikita ang maamong mukha ng babae na nakikipag usap sa lalaki at may pahaplos pa sa likod ng katawan ng lalaki.

Hanggang sa nag si alisan na ang mga tao at hanggang ngayon ay wala ng may alam kung ano ang napagkasunduan ng dalawa ukol sa kanilang mga sasakyan. Pero tingin ng iba ay naging effective ang ginawa ng babae na pagpapa-amo sa lalaki.