Halos lahat sa atin ay mahilig sa mga pagkain tulad ng Burger , Fries o kaya naman ay Pizza, Kaya nga ang iba ay umorder na lamang online upang mai-deliver sa kanilang bahay.

Subalit ang nakalulungkot lamang ay hindi lahat ay may kakayahang bumili o umorder nito dahil ang iba sa atin ay hindi pinalad sa buhay at walang sapat na pera para makabili nito.

Tulad na lang ng isang kwentong ito na mula pa sa Bansang Malaysia, nakatagpo ang isang FoodPanda Rider ng isang bata na binigyan siya ng bag na punong luno ng barya upang ipambayad sa inorder niyang pagkain.

Ngunit, ang naturang pera na dala ng bata ay hindi sasapat para mabayaran ang kanyang inorder, subalit ang nakakamangha sa Food Panda rider ay hindi na niya tinanggap ang bayad ng bata at napagpasyahan na ilibre na lamang ang pizza na inorder ng bata ito ay matapos niyang malaman na hindi pa pala ito nakakatikim ng pizza sa buong buhay niya.

Ayon sa FoodPanda Rider na si Faiz Rosman, isang araw daw ay nagulat siya na ang order na kanyang ihahatid ay para sa isang bata na binayaran lamang siya ng bag na punong puno ng barya at ang ilan ay ay maliliit lamang na halaga.

Ang na-order naman nito na pizza ay nagkakahalaga ng tinatayang RM28.5 o P338. Ngunit, naniniwala pa din si Faiz na aabot ang mga barya sa halaga na kailangan bayaran ng bata sa order nito.

Subalit hindi na niya nagawa pang bilangin ang barya dahil ng mga oras daw na iyon ay may i-de-deliver pa siya kaya siya ay nagmamadali.

Kaya naman kanya na lang sinabihan ang bata na makukuha nito ang pizza na kaniyang inorder subalit sisiguraduhin niya na imessage siya matapos bilangin ang mga barya.

Makalipas ang ilang sandali, napag-alaman ni Faiz na ang naturang laman ng bag ay may kabuuang RM18 lamang o P213.25.

Ayon sa kanya hindi pa ito sapat para sa presyo ng pizza at pati na din sa delivery fee. Kaya naman kaagad niyang minessage ang bata ngunit nagmakaawa ang huli sa kaniya na maintindihan niya ito at sinabi ng bata na hindi alam ng kaniyang ama na siya ay um-order ng pizza.

Nang magsabi si Fais sa bata na humingi ng pera sa ama nito para bayaran ang order, agad na sagot ng bata ay,

“I was scared to tell my father. I just wanted to try the pizza for the first time.”

Kaya naman agad nakaramdam ng awa si Faiz sa bata lalo na ng malaman nitong hindi pa ito nakakatikim ng pizza.

Napagpasyahan nalamang ni Faiz na huwag na lang bayaran ng bata ang pizza at ito ay ililibre nalamang niya.