Hindi lubos akalain ng isang Pinay na pagtatagpuin ulit ng tadhana ang kanilang landas na noo’y lalaking nagbigay sa kanya ng regalo.

Ang kwento ng dalawa ay nagsimula sa pamamagitan lamang ng isang Samaritan’s Pursue or Christmas box, ang naturang mga regalo ay mula sa mga bata ng bansang Amerika at pinapadala para sa mga mahihirap na bata dito sa ating bansa.

Siya si Joana Marchan isa sa maswerte na mga bata na napadalahan ng mga regalo at naka-tadhana para sa kanya ang box na inihanda ng isang batang Amerikano na si Tyrel Wolfe, na gusto lang noon ibahagi ang kanyang mga biyaya para sa ibang mga bata.

Dahil sa natanggap na regalo, nagpaabot ng pasasalamat noon si Joana kay Tyrel sa pamamagitan ng sulat. Ngunit hindi siya nakatanggap ng sagot mula sa Amerikano.

Lumipas ang mga taon, Hinanap ni Joana si Tyrel sa pamamagitan ng internet sa tulong narin ng mga impormasyon na nakasulat sa likod ng larawan ni Tyrel na kanyang natanggap noon.

Ayon kay Tyrel, Nakita raw niya ang ‘Friend Request’ ngunit hindi niya agad ito inaccpet subalit kalaynan ay inaccept niya ito at sila ay naging magkaibigan at nagkapalitan ng mga mensahe.

Agad naman lumipad ng kanilang bansa si Tyrel upang makita ng personal ang noo’y bata pa na nakatanggap ng kanyang regalo. Hanggang sa dumating sa puntong na napagkasunduan nilang magpakasal makalipas ng ilang pagpabalik-balik ni Tyler sa Pilipinas upang bisitahin si Joana.

“I see her and her big beautiful smile, and it’s like, Lord is this a dream?” Pahayag ni Tyrel sa isang interview

“At that point, we just knew that no possible way that she could just found me, it was through God that she found me,” dagdag niya

Sa kasalukuyan ay masaya ng namumuhay ang mag-asawa sa U.S kasama ang kanilang mga anak. Sa kwento na ito ni Joana ay tunay na may ‘Happy Ending’.

Source: Rachfeed