Bukod sa trabahong Pulis isa rin ang trabahong Bumbero ang may delikadong propesyon nakataya dito ang buhay nila para lang mailigtas ang kanilang kapwa na nangangailangan ng kanilang tulong at dito kinakailangan nila nang dobleng pag-iingat.

Ang pagiging Bumbero daw ang pangarap ni Eugine bata palamang daw ay gustong gusto niya na ang propesyon na ito.

At ngayon nga ay halos dalawampung taon na siyang nagsisilbi sa bayan at sa mga tao bilang bumbero.

Si Eugine ay marami ng nasagip na buhay ng tao at mga bahay. Para kay Eugine kahit pa delikado ang kanyang pinasok na propesyon ay mas pipiliin parin niya ito kaysa maupong walong oras sa opisina para sa isang corporate work.

Subalit isang aksidente ang naging dahilan upang kwestyunin ni Eugene ang kaniyang pinakamamahal na trabaho.

Ito ay nang isang gabi ng sila ay maalarma ng kanilang buong department ng malaman nilang mayroong isang malaking sunog ang nangyayari sa magarang bahay ng nanmg-ngangalang Mrs. Zamora isang retiradong principal ng isa sa pinaka malaking paaralan ng kanilang bayan.

Agad-agad naman rumesponde ang mga naturang bumbero kasama na si Eugine. Subalit parating pa lang sila sa nasusunog na bahay ay mayroon isang malaking problema ang bumulaga sa kanilang team.

Di-umano si Mrs. Zamora pala ay nasa loob parin ng nasusunog na bahay.

Dali-dali naman pumasok si Eugine sa loob ng bahay at agad niyang namataan ang matanda na hirap na hirap sa kaniyang paghinga.

Matapos noon ay agad niyang pinangakuan ang matanda na sasagipin niya ang bahay, ngunit nagulat na lamang siya sa ibinulong nito.

“Huwag na, hayaan mo na itong matupok, dahil sinadya kong sunugin ang bahay kasama ang labi ng aking asawa.”

Ngunit sa bandang huli nagawa pa rin niyang ilabas ang matanda sa bahay, ngunit ang kaniyang mga narinig mula sa mga bibig nito ay isang bagay na habang buhay na mananatili sa kaniyang alaala.