Dito sa ating mundong ibabaw may kanya-kanya tayong paniniwala at relihiyon na sinusunod ngunit isa lang ang pagkakapareho ng mga relihiyon at ng tao ito ay ang kanilang pananalig sa Diyos.

Subalit hanggang saan nga kaya ang pananalig mo sa Diyos ito ba ay hanggang sa iyong kamatayan?

Katulad na lamang ng kwento ng isang Pastor na ito mula sa bansang Zambia, siya si Pastor James Sakala buong buhay niya ay inaalay niya sa Diyos kaya naman handa niya itong ibuwis mapatunayan lang ang kanyang pananampalataya.

Ayon sa Camero Online, napag desisyunan ni Pastor James at sa tulong ng kanyang mga kasamahan sa Simbahan inilibing niya ng buhay ang kanyang sarili at sinabing sa loob ng tatlong araw ay muli siyang mabubuhay katulad ng Diyos ng lahat na si Jesus Christ.

Tatlong kasamahan niya sa simbahan ang gumawa ng malaking libingan, Ayon pa kay Pastor James dahil sa kanyang pagiging leader ng simbahan naniniwala siya na mayroon siyang kapangyarihan na makakaya niyang mabuhay sa loob ng tatlong araw kahit pa ito ay sobrang lalim at natatakpan ng mga lupa.

Lahat ng miyembro ng simbahan ay nasaksihan ang paglilibing ng buhay sa Pastor at umaasa ang lahat na may magandang resulta ang ginawang ito ng Pastor.

Makalipas ang tatlong araw ay pinuntahan na nila ang naturang pinaglibingan ng pastor.

Umaasa ang lahat na buhay ang pastor subalit sa kasamaang palad natagpuan nila ang kanilang pinaka mamahal na pastor na wala ng buhay at hindi na humihinga.

Agad-agad naman sinugod ang pastor sa øspital at umaasa na ito ay muling mabuhay.

Subalit bigo sila na ito ay iligtas, ayon naman sa mga kasamahan nito nabigo ang pastor sa kanyang pinangako na muli siyang mabubuhay katulad ni Jesus na ayon sa bibliya.

Lahat ng miyembro ng naturang simbahan ay nagluksa dahil sa sinapit ng pastor. Nawa’y maging matahimik daw ang kaluluwa ng kanilang pinaka-mamahal na Pasotr James Sakala.