Likas sa ating mga Pinoy ang pagiging madiskarte. Karamihan sa atin ay lumilipad papuntang ibang bansa upang magsakripisyo at doon magtrabaho.

Ngunit hindi lahat ng OFW ay pinapalad sa trabaho.

Kaya naman ang ating kababayan na si Robin John Calalo ay umisip ng paraan upang kumita ng malaking pera sa bansang New York, USA.

Pumatok lang naman ang kaniyang maliit na street food business na kung saan umabot ng halagang P800,000 ang kaniyang kita sa isang buwan.

Lahad ng Trending Bytes, isang normal na araw lang noon nang biglaang mag crave si Robin sa ating pambansang inihaw na isaw.

Hindi niya sukat akalain na dahil dito ay magbabago ang kaniyang buhay at magkakaroon ng isang successful small business.

Ito ay nafeature din sa GMA News na kung saan sinabi niyang namalengke siya ng may dalang $50, kaya’t naisipan niya na itong damihan at subukang ibenta.

Naging mabili ang kaniyang ihaw- ihaw sa kaniyang kamag- anak maging sa iba pang mga lahi at dayuhan sa kanilang lugar.

Patuloy na bumabalik ang kaniyang mga customers dahil sa kaniyang masarap na, Adidas o paa ng manok, Betamax o dugo ng baboy, inihaw na hotdog at syempre ang isaw ng manok.

Dahil sa pagiging patok sa panlasa ng masa, ang P200,000 halaga ay kaya niya lang kitain sa loob ng isang linggo.

Bukod pa doon nakaisip din siya ng online business na “ready to cook na ihaw- ihaw”.