Ang mga Uber ay malaking tulong sa mga taong malalayo ang bahay lalo na sa mga taong hindi kayang magmaneho tulad ng mga lasîng na pasahero na nasosobrahan sa alåk at hindi na kayang umuwi mag isa.

Subalit para sa mga Uber drivers ay malaking hamon din ang sila ay maghatid ng mga pasaherong lasîng dahil maaaring humantong sa nakakadiring gabi ang kanilang paghatid dito dahil kung sakaling madumi o masuka ang kanilang pasaherong lasing ay kailangan niya itong linisin.

Samantala, may isang istorya sa social media na pinost na may user na “notingherenothingthere” ang talagang nag viral at pinag-usapan ng marami.

Ito ay ang tungkol sa isang driver na nagkaroon ng pasaherong hinding hindi niya raw makakalimutan na pangyayari na sobra ang kalasingan ng naturang pasahero.

Noong Mmiyerkules daw nang gabi, ang isang Uberdriver na kilala sa online bilang westport76 ay kinuha ang inilalarawan niya bilang “sweet girl.”

Todo hingi raw agad ng paumanhin ang naturang babaeng pasahero sa uber driver dahil sa sobrang kalasingan nito at nakiusap na kung pwede ay ibaba ang kaniyang bintana.

Habang kumukuha ang driver ng cleaning feel at plastik upang masukahan ng babae ay tinatanong siya nito kung ano ang saloobin nito tungkol sa kamÅtayan sinabi rin ng pasaherong babae na siya ay may cåncér.

Sinabi ng driver,

“She told me she doesn’t feel good but she was going to be ok.”

Patuloy niya, “She told me she was celebrating with her work friends who threw her a going-away party.”

Ayon pa sa babaeng pasahero, ang tanging sinabi niya lamang sa kanyang mga kaibigan ay pupunta siya sa ibang bansa dahil mayroon itong nakuhang magandang position sa trabaho.

“Just didn’t tell them abroad was heaven.”

At matapos makarating ang Uber driver at pasahero nito sa kanilang destinasyon at nang makababa na ang babae ay agad pinatåy ng driver ang Uber App niya at umiyak na lamang habang binabaybay ang kaniyang bahay pauwi.

Narito sa baba ang kabuuang istorya.