Isang malaking palaisipan para sa marami ang nakikita nilang malaking istatwa o rebulto na itinatayo sa harap ng SM Megamall.

Marami ang mag nagsasabi na siguro daw ay isa itong rebulto ni Henry Sy Sr. Isang kilalang mayamang negosyante.

Subalit ang haka-haka na rebulto raw yon ni Henry Sy ay hindi pala totoo, dahil ito pala ay isang artwork ng Filipino American sculptor na si Jefre Manuel Figueras a.k.a JEFRÉ.

Ang naturang rebulto ay tinatawag daw niyang ‘Time Sculpture’ na may taas na labindalawang (12) metro.

Ang naturang Time Sculpture daw ay ginawa upang ma remind ang lahat kung gaano kahalaga sa atin ang bawat Oras.

Kaya naman ang artwork ay sumisimbolo sa isang lalaking naka tingin sa kanyang orasan.

Ang napakalaking rebulto na ito ay ibinhaagi ng JEFRËs Baks Series, ito rin ang kauna-unahang likha ng naturang artist.

Ang naturang Baks Series ay pinangalanan pagkatapos ng ponetikong salitang “kahon” sa American English.

Ang mga piguro nito ay mga archetypes na kumakatawan sa mga taong nagbibigay buhay at karakter sa mga lungsod sa buong mundo.

Samantala, tiniyak naman ng artist na ang naturang rebulto ay maisasapubliko ngyaong taon.

Ito ay gawa mulansa mirror stainless steel na itinatag sa buong katawan ng piguro at konektado nf polyhedrons na lumilikha ng three-dimensional planes.

Ang ulo naman nito na may-hugis kahin ay isang iconic form din sa loob ng likhang sining dahil dito ang ipinapakita ng rebulto na isang symbolic expression.

Paraka JEFRË, ang mamamayan ang naturang ‘Building Blocks’ ng siyudad na siyang pundasyon at sa pamamagitan ng pag converg sa ulo ng rebulto ng isang bloke ang naturang pigura ay kumokonekta sa mga artists urban architecture.

Narito ang naging pahayag ng SM,

“Even when stuck in traffic, people should learn how to respect the idea of time by using it productively.”

Ang permanenteng art sculpture na ito ay naglalayong lumikha ng pag-unawa sa kasaysayan ng lungsod at ng mga tao, at para na din makagawa ng isang bagay na siyang kumakatawan sa lungsod.

Nawa’y ang rebulto na ito ay magmulat sa bawat isa sa atin na maging mapagpahalaga sa oras. Sa madaling salita ay bawat oras natin ay mahalaga kaya naman dapat itonay huwag sayangin. Ayon nga sa kasabihan “Time is Precious, Time is Gold”.