Kamakailan ay naglabasan ang mga bali-balita tungkol sa JaMill o tambalang Jayzam Manabat at Camille Trinidad, ito ay matapos nilang idelete ang kanilang Youtube Channel.

Ayon sa dalawa ginawa raw nito ito dahil gusto nilang mag focus sa kanilang relasyon ngunit marami ang naghihinala na ito ay dahil sa napapabalitang tax evasion dahil umano sa mga naglalabasan sa Facebook na kanilang mga mamahaling sasakyan at bahay.

At ngayon nga ilang araw lang ang nakakalipas simula ng idelete ang kanilang Youtube Channel may isang netizen ang nagpost ng nga larawan ng bahay ng naturang couple vlogger at may caption na,

“For sale! Two-storey house with swimming pool, kasama lahat ng gamit sa bahay.

“Looking for [a] direct buyer. Hindi po ako ahente or broker. I was instructed by the owner themselves to transact on their behalf.”

Pahayag pa ng naturang netizen hindi raw siya mag-eentertain ng mga tanong o tsismis tungkol sa may-ari ng bahay.

Samantala hindi pa man natatapos ang ugong-ugong sa pagbebenta ng kanilang bahay ay may isang balita nanaman ang gumulat sa kanilang mga tagahanga ito ay kung saan naibenta na raw nila ang kanilang mamahaling sasakyan na isang Jeep Wrangler.

Marami ang nagtatanong kung naghihirap na ba daw ang dalawa matapos nilang idelete ang kanilang Youtube channel kung kayat ibinebenta na nila ang lahat.

Mayroon namang nagsasabi na baka binebenta ang bahay dahil maghihiwalay na sila at paghahatian ang lahat nang naipundar noong nagba-vlog pa sila.

Wala naman inilalabas na pahayag ang dalawa tungkol sa mga napapabalitang pagbebenta ng kanilang mga ari-arian.