Ang Pagkakaroon nga ng kapatid ay isang biyaya sa mag-asawang nagmamahalan at ito ay ibinigay ng Diyos na Lumikha at lalo na ang magkaroon ng isang “Kambal” na anak at ayon sa mga sabi-sabi ay suwerte daw ang magkaroon nito.

Kung tawagin ang mga ito ay “Identical Twins” ang dalawang magkapatid na magkamukha sa pisikal na itsura mula sa mukha, ngipin, bibig, mata at ilong ay talagang halos walang pagkakaiba ang dalawang magkapatid na kambal.

Ika nga ng marami ay parang pinagbiyak na bunga wala kang makikitang bahid na pagkakaiba sa kanilang itsuro ngunit parehas man ang kanilang itsura ay mayroon parin silang pagkakaiba hindi man sa pisikal bagkus ito ay sa ugali.

Lalo na pagdating sa kanilang personalidad kung sila ay magkamukha sa itsura ay hindi sa mga ugali nito. Halimbawa ay kung ang isa ay tahimik maaring ang isa naman ay maingay, kung Sporty ang isa ang isa naman ay gusto laging libre ang hawak.

Mapapansin mo din na may sari-sarili ang bawat isa na mga kagustuhan sa buhay.

Tulad na lamang ng magkapatid na ito na si Alex at Andy. Magkamukhang magkamukha talaga ang kambal na ito ngunit sobrang pagkakaiba ang kanilang personalidad at pag-uugali.

Si Alex ay tahimik lamang at hindi talaga masyadong kumikibo na kabaliktaran naman ni Morris na puro bungaga at sobrang daldal.

Pagdating sa pagkakaibigan naman ay hindi nahihirapan si Alex makipagusap sa iba at si Andy naman ay talaga namang palakaibigan at halos barkada ang buong ka eskwela. Talaga namang magkaiba diba?

Sa isa ngang pangyayari sa kanilang eskwelahan sa isang college entrance exam na pareho sila ay lumahok, isa lamang sa kanilang dalawa ang pumasa at ito nga ay si Alex hindi naman ito inaasahan ng lahat dahil nga ito ay patahimik tahimik lamang.

Nang malaman naman ito ni Andy ay talagang ikinadismaya niya ito at nalungkot at nagkulong sa kwarto ng halos 5 oras.

Ito naman ay sinabi ni Alex sa kanyang ama ngunit mas pinilo ng ama na dalhin sa unibersidad ang kanyang anak na si Andy dahil mas magaling raw ito pagdating sa pag-aaral.

“This is not a ticket to heaven. Don`t expect too much from it”, Sambit ni Alex kay Andy

“What do you mean?” sagot ni Andy

“This is nothing more than a capitalist`s way to make us spend money,” sagot ni Alex

Wala naman nagawa si Alex sa desisyon ng kanyan ama kaya naman sinunod niya lang ito at hinayaan makapasok si Andy sa unibersidad at siya naman ay naghanap ng trabaho.

Nagsumikap at namasukan si Alex sa construction ang una niyang trabaho ay sa cement area ngunit dahil sa kanyang dedikasyon at sipag ay na promote siya mula sa laborer patungong production hanggang sa makarating sa research department.

Napakalaking tulong naman talaga ni Alex sa kanyang kumpanya habang si Andy naman ay nagpapakasarap sa bisyo mayroon siyang girlfriend at iniwan din ito bandang huli,.

Nang maubos ang lahat at wala ng matakbuhan at nangangailangan na ng trabaho si Andy ay nagapply ito sa malapit na construction firm.

Natanggap naman ito ngunit dinala siya sa production team na ayaw naman ni Andy dahil umano ay graduate siya sa isang unibersidad.

Hanggang sa nagreklamo si Andy kung bakit doon siya ilalagay sa team na iyon. Pinatawag siya agad ng direktor ng kumpanya at pagpasok niya ay laking gulat niya at bumulaga sa kanya na ang direktor ng kompanya ay ang kanyang kakamba na si Alex.

Hindi naman talaga makapaniwala si Andy at ito ay naging isang aral para sa atin na ang buhay ng tao ay parang mundo bilog at pa ikot-ikot lamang ito kaya naman habang may mga oportunidad na sa atin ay dumadating ito ay ating pahalagahan , pagsumikapan at higit sa lahat ay magtiwala sa Panginoon.