Hindi na mawawala sa katawan ng tao ang pagkakaroon ng insecurities, dahil ang iba sa atin ay mga katangian na patuloy na nilalait ng mga taong makikitid ang pag-iisip.

Lahat naman tayo ay may kakulangan sa katawan dahil wala naman taong pinanganak na perpekto lahat ay may kasalanan at mayroong mga ugaling hindi kanais-nais.

Kahit na ang mga sikat na artista na ubod ng gaganda at nakakaranas din ng mga lanlalait sa ibang tao dahil sa mga insecurities ng mga mata ng taong mapanlait.

Katulad na lamang ng sikat na aktres na si Kathryn Bernardo na kahit pa noong kanyang kabataan ay nakatanggap ng mga panlalait tungkol sa kanyang mga paa.

Kahit na taglay niya ang kagandahan sa mukha ay patuloy pa rin siya sinisiraan at nilalait ng kanyang mga bashers.

Kaya naman kamakailan ay nagpost ng video ang aktres sa kanya mismong Youtube Channel at dito sinagot niya ang mga panlalait na komento mula sa kanyang mga bashers.

Ang panlalait kay Kathryn ay nagsimula ng magtrending ang #SakangSiKathryn at kahit naipasara na ang ABS CBN ay patuloy parin ang paninira sa kanya.

Narito ang ilang komento ng mga basher kah Kathryn Bernardo.

“Ang pangit ni Kathryn Bernardo, pangit na sakang pa!” sabi ng isang basher.

“Maganda nga hindi naman pantay ang Paa hahaha sakang” -komento ng isang basher.

Ang pagiging sakang nga niya ay isa sa mga insecurities niya sa sarili. Pero di nag tagal ay tanggap din niya ito.

Ito din ang rason kung bakit hindi niya pinapa komento ang kanyang mga bashers sa kanyang IG account dahil noong una nasaktan daw siya sa mga binabasa niya.

Subalit hindi naglaon ay natanggap ng aktres ang kanyang pagiging sakang at patuloy na minahal kung anong meron siya at ang kanyang mga insecurities.

Samantala, Kinilig naman ang lahat ng kanyang tagahanga dahil sa kanyang boyfriend na si Daniel Padilla, dahil ayon kay Kathryn kahit pa raw marami silang insecurities at patuloy siyang nilalait ng iba ay andyan ang kanyang boyfriend at tinanggap siya at todo suporta sa kanya.

Ayon kay Kathryn,

“Before sobrang insecurity ko ito. Pero alam nyo sino nag pa realize sakin na huwag magpa insecure? Si DJ. Through DJ na overcome ko ang insecurity ko about my legs.”

“Na realized ko na lahat tayo may imperfections. Siguro nagkataon na ibinigay sa akin ni God yung legs ko. And ano gagawin ko?. Eh di nag workout ako para ma exercise siya. And, tatanggapin ko kasi hello? Hindi naman ako makukulong sa pagiging sakang ko.”

Ang kwento ni Kathryn at ng iba pang sikat na personalidad ay patunay na ang lahat ay pantay pantay, walang nilikha ang Diyos na perpekto pagdating sa panlabas na anyo.

Sa huli ang mahalaga ay mabuti tayong tao at mayroon tayong malinis na kalooban at higit sa lahat pagmamahal sa ating kapwa.