Sa panahon ngayon halos lahat ay gumagamit na ng social media maging bata man o matanda ay nahuhumaling dito.

Isa sa mga magandang naidudulot nito ay ang pagkakaroon ng komyunikasyon ng bawat isa kahit ito ay magkalayo subalit ang social media ay nagiging daan din para makapanlinlang ng kanilang kapwa.

Katulad na lang ng isang kwento ngayon sa social media na pinag-uusapan ng marami ito ay ang tungkol sa larawan ng isang Japanese Rider.

Ngunit marami ang nagulat at hindi makapaniwala na isa palang 50 taong gulang na Lalaki ang nasa likod ng larawan na napakagandang japanese rider.

Sa ulat ng sa World of Buzz, ang username niyang @azusagakuyuki ay umabot na sa 17,000 ang followers sa Twitter. Ang laman ng kanyang mga post ay palaging siyang nakasakay sa iba-ibang motorsiklo.

Subalit isang araw ay may netizen na nakapansin na ang repleksyon umano ni Azusa sa isang salamin ay napakalayo sa tunay na itsura nito sa picture.

Kaya naman dito na nagsimulang ma e-track si Asuza ng isang Japanese Variety show, nang kanilang matagpuan ito ay agan nilang ipinakita ang totoong itsura at anyo nito.

Ang napakagandang Asuza sa mga larawan ay isa palang 50 taong gulang na Lalaki.

Nang tanungin naman ang naturang Lalaki kung paano niya nababago ang kanyang itsura ay agad nitong sinabi na sa tulong ng isang application ns FaceApp.

Sinabi nito na ginagawa niya ang pag-iiba ng itsura upang maibahagi sa iba ang kanyang pagmamahal sa mga motorsiklo.

Naisip kasi niya na kung ang matanda niyang lalaki na itsura ang ipapakita ay walang magiging interesado dito kaya naman siya ay nagpanggap na dalaga at dahil dito marami siyang nakalap na followers.

Patunay lamang ito na iba talaga ang nagagawa ng teknolohiya sa panahon ngagon, dagdag pa riyan ang kakaibang talento ng karamihan sa atin sa pag-eedit ng mga larawan.

Tiyak na maraming ang malilinlang nitong si Kuya sa kanyang mga inedit na larawan at nag mistulang isang dalaga.