Sa buhay ay may darating sa atin na pagsubok para sa ating katapatan. Minsan naman ay darating din sa atin ang biglaan biyaya sa tamang panahon.

Paano na lang kung ang dumating sa atin ay sabay na susubukan ang ating katapatan at bigyan tayo ng isang biyaya na hindi natin inaasahan?

Ating tunghayan ang isang kaganapan na nangyari sa isang Security Guard kung saan sinubok ang kanyang katapatan ng isang pangyayari kung saan ay may natanggap din siyang biyaya.

Isang magiting na security guard Sa isang paliparan ang nagpamalas ng katapatan matapos niyang ibalik ang malaking pera na kanyang napulot.

Napulot umano ng security guard na si Danny Namion ang pera na nalaglag umano ng isang OFW na tumataginting na Php500,000 sa airport ng Terminal 1.

Ayon kay Danny kahit pa raw maliit ang kanyang sinasahod sa pagse-security guard ay hindi pumasok sa kanyang isipin ang ito ay angkinin at pag interesan.

Napag-alaman na din na ang securty guard ay kinakapos din sa mga gastusin na kung minsan ay nanghihiram at nangungutang pa sa iba niyang kasamahan.

Dagdag pa riyan ang nalilipasan ng gutom dahil sa kakapusan ng pera.

Samantala, dahil sa ginawang katapatan ng security guard binigyan siya ng gantimpala ng OFW na may-ari mismo ng pera tumataginting na 300 dollars ang kanyang natanggap.

Maraming netizen naman ang humanga sa ginawang katapatan ng security guard sa kabila ng kanyang kalagayan sa kahirapan nanatili siyang tapat sa kanyang tungkulin. Saludo kami sayo Mang Danny!