Isa ka ba sa mga taong nangangarap at nagnanais na maging isang Flight Attendant? Kung ganun ay matutuwa ka sa bagong balitang ito.

Dahil sa kahirapan ay mayroong mga estudyante na hindi kayang makapag-aral sa kolehiyo at makuha ang kanilang kursong gusto dahil na rin sa kamahalan ng bayad sa paaralan.

Ngunit dahil sa balitang ito ay tiyak na matutuwa ang ilan sa atin na gustong maging Flight Attendant ngunit walang kakayahang tumuntong sa kolehiyo.

Ayon kasi sa bagong anunsyo ng ilang Airlines Companies, Tumatanggap na sila ng mga applicants bilang FA o Flight Attendant kahit pa ito ay High School Graduates lamang.

Ang maging isang Flight Attendant ay isang trabaho na pangarap ng marami sa atin lalo na ng mga kababaihan.

Ilan kasi sa atin ay nangangarap na makapaglibot o makapag-travel sa ibat-ibang parte ng mundo. Kaya naman sa pagiging flight attendant ay hindi malabong makapunta ka sa ibat-ibang lugar at destinasyon kung saan man lalapag ang eroplano na iyong sinasakyan

Bilang isang Flight Attendant, sila ang mga naninigurado sa kaligtasan ng mga pasahero sa eroplano.

Trabaho nila na masigurong komportable ang mga pasahero sa pagbabyahe at matugunan ang bawat pangangailangan ng mga ito.

Kung sakali man na magkaroon ng sakuna ay ang mga Flight Attendant ang siyang magpapakalma sa mga pasahero. Sinisigurado nila na sumusunod ang mga ito sa panuntunan ng Federal Aviation Administration.

Kung noon ay kailangan mo pa magkaroon ng diploma ng kolehiyo o di kaya makapagtapos ang isang indibidwal ng isang dalawa o apat na taong kurso sa kolehiyo at sumabak sa matinding training upang maging isang ganap na Flight Attendant.

Ngayon ay may isang socmed page na nagbalita na mayroon ng mga airlines companies na nag-anunsyo natumatanggap na sila ng aplikante na nais maging flight attendant kahit pa sila ay hindi nakapag kolehiyo at high school graduate lamang.

Ang nasabing socmed page ay naglabas din ng mga listahan ng mga airlines na tumatanggap ng mga aplikanteng Highschool graduate.

Marami ang nag nanais sa trabahong ito dahil para sa atin mga kababayan isa ito sa mga sinasabing pinakamagandang trabaho bukod pa rito ay mayroon kang benepisyong libreng biyahe sa ibat-ibang lugar.

Ilan sa mga karaniwang requirements o qualifications ng ilang airlines ay ang pagkakaron ng aplikante ng height na hindi baba sa 5’3, bukod diyan ay ang pagkakaroon ng maayos na ngipin at presentableng mukha.

Bukod pa diyan ay dapat ang isang Flight Attendant ay tugma ang timbang sa kanilang tangkad. Dapat din ay maganda ang mga ngiti nito na nakatatawag ng pansin.

May mga Airlines company rin na hindi tumatanggap ng aplikante na lagpas 27 na ang edad. Bukod rito dapat ay malawak ang komyunikasyon na pinaka importante sa pagiging Flight Attendant.

Dapat din ay mahaling sila sa wikang English sa parehong pagsulat at pagsalita.

Kahit pa marami ang requirements at qualifications sa pagiging Flight Attendant ay tiyak naman na ang lahat ng ito ay worth it ang sahod na kanilang matatanggap ay malaki din.

Ayon sa DOLE o Department of Labor and Employement, ang sweldo ng isang Flight Attendant ay umaabot ng Php18,000 hanggang Php26,000 kahit sila ay nagisisimula pa lamang.

Maaari pa itong tumaas hanggang Php36,000 hanggang Php54,000 kapag sila ay tumagal.

Bukod sa magandang pasahod ay mayroon din incentive na ibinibigay ang mga kumpanya para sa mga Flight Attendant.

Kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit marami sa atin ang nangangarap na maging isang Flight Attendant.

Source: The Relatable