Noong araw na hindi pa gaanong sikat ang mga teknolihiya tulad ng Internet, Computer at Social media partikular na sa ating bansa tanging Panonood lamang ng twlebisyon ang ating Libangan.

Wala pang ibang mga gadget kaya naman kapag may telebisyon ka ay tila naka-aangat ka sa buhay.

Isa sa mga napapanood natin noon ay mga balita, noontime show at siyempre hindi mawawala diyan ang ibat-ibang komersyal ng mga produkto.

Isa sa mga Komersyal o advertisement ang tumatak sa mga batang 90’s ay ang ginampanan ng kambal na batang kinilalang anak no Lumen sa isang produkto ng sabon.

Ang kambal ay gumanap bilang si Maria at Ana, ang mga anak ni Lumen “ang wais na misis ng mga Pinoy”.

Naging sobrang sikat ang naturang komersyal ng mga kambal at sa pagdaan nga ng panahon ay tila biglang nawala na sila sa telebisyon kaya naman tanong ng karamihan ay nasaan na nga ba ang mga ito at kamusta na ang mga buhay ng kambal.

Ang kambal na karakter nina Maria at Ana ay ginampanan ng kambak na sina Charlotte Andrea Hermoso at Charice Andrea Hermoso.

Tunay nga na sobrang bilis ng panahon dahil ang kambal na cute na cute noon ay isa ng mga ganap na dalaga ngayon!

Dagdag pa riyan, bukod sa kanilang komersyal ay gumanap din bilang batang Lara at Sara ang dalawa na ginampanan nona Iza Calzado at Sunshine Dizon sa kapuso primetime drama na “Impostora” noong taong 2017.

Ang dalawa ay kasalukuyang nag-aaral sa University of Perpetual help System Dalta sa Las piñas.

Kung ikukumpara naman ang dalawa pagdating sa kanilang fashion style, masasabi na si Charlotte ay mas simple pagdating sa kaniyang mga outfits ngunit mababakas pa din ang kaniyang kagandahan sa kaniyang mga ‘car selfies’ na makikita sa kaniyang mga social media account.

Si Charice naman ay mayroong stylish outfits, na kitang kita ang kaniyang magandang balat at seksing pangangatawan.

Kahit pa hindi itinuloy ng kambal ang showbiz at itinuon sa pag-aaral ang kanilang oras hindi pa rin maitatago sa dalawa ang taglay nitong mga Ganda. Sana’y pagdating ng araw ay maging successful sila sa kanilang tinatahak na Pangarap.