Natatandaan niyo pa ba ang bida at gumanap bilang apo ng isang Lolo sa iconic commercial ng McDonalds noong 2001 na si Karen Delos Reyes?

Kung ating aalalahanin talagang nakakaantig ang istkrya ng nasabing commerical ng McDonals. Ang kwento ng naturang commercial ay umiikot sa isang mag lolo na ginampanan nina Karen at Rudy Francisco (Lolo).

Ang Lolo rito ni Karen ay makakalimutjn na kaya naman madalas na ibang pangalan ang nasasabi nito. Imbes na “Karen” ay “Gina” ang nasasabi ng karakter ni Lolo Rudy.

Naantig ang puso ng buong Masa dahil sa huli ay nasabi ng ama ni Lolo Rudy ang pangalan ni Karen.

Bukod pa rito ay nagtira rin siya ng kalahating burger para umano sa kanyang paboritong apo na si Karen.

Maituturing naman na naging daan ang naturang commercial ng McDonalds para sumikat at makilala si Karen lalo na at tumatak sa marami ang kanyang karakter.

Hindi nag tagal ay pinasok ni Karen ang pag-aartista ilan nga sa mga TV shows na napasali siya ay ang sikat na youth oriented show ng GMA7 na “Click” kung saan ay co-stars niya sina Richard Gutierrez, Angel Locsin, Alexandra De Rossi, Jake Cuenca, JC Devera at marami pang iba.

Nagsunod sunod pa ang mga naging proyekto ni Karen sa telebisyon matapos siyang magpamalas ng kanyang husay sa pag-arte.

Isa pa sa kanyang malaking proyekto na kinabilnahan ay ang kapuso Fantasy series na “Mulawin” noong 2004 kung saan gumanap siya bilang si Savannah Montenegro.

Sa mga nagdaang taon ay patuloy lang sa paggawa ng mga acting project si Karen hanggang noong 2016.

Matatandaan naman na huling napanood si Karen sa Comedy show na “Dear Uge” noong 2016 bago nga siya naglie-low sa mundo ng showbiz.

Samantala taong 2017 naman ay may isang magandang biyaya ang dumating sa kanyang buhay ito ay ang kanyang unico hijo na si Gabriel Lucas.

Naibalita rin sa mga showbiz article na isang non-showbiz na lalaki ang tatay ng kanyang anak at kahit kailanman ay hindi niya ito binabanggit.

Makikita naman sa mga social media account ni Karen na masaya sila ngayon sa buhay kasama ang kanyang Anak, dagdag pa rito na nagpabilib sa mga netizens ay makikitang masaya at matatag ang buhay ni Karen sa pagiging single mother. Masaya siyang kasama ang kanyang anak at ineenjoy ang motherhood.

Source: The Relatable