Mayroong mga sikat na personalidad ang nagtatagal sa mundo ng showbiz ngunit mayroon din namang umaalis at pinipiling mabuhay na parang isang normal na tao lamang.

Hindi maitatanggi na magpasahanggang ngayon ay naririnig at kinakanta pa din natin ang awiting “Bakit Nga Ba Mahal Kita” dahil sa mensahe na hatid nito na talaga namang makakarelate ang madaming tao.

Sa likod ng isang magandang awitin, nariyan ang batikang mang- aawit na si Roselle Nava. Hindi lamang iyan ang sumikat sa kaniyang mga kanta kundi pati na din ang “Maniniwala Ba Ako”, “Dahil Mahal na Mahal Kita”, “Laging Ikaw Pa Rin” at “Huwag Ka Nang Babalik”.

Ngunit madami ang nagtatanong kung nasaan na ng aba si Roselle at bakit hindi niya ipinagpatuloy ang pagiging isang singer kahit pa noong 1990 ay tinanghal siya bilang Phillipine Pop Queen/Sentimental Diva.

Mayroong business partner noon si Roselle na kaniya ding napangasawa na si Allen Ford Lee tan. Sila ay namumuhay kasama ang kanilang dalawang anak na lalaki na si Ram at Rafa.

Taong 2016 nang subukan ni Roselle pumasok sa pulitika at naihalal bilang Councilor sa Paranaque.

Nito lamang ay sumapit siya ng 45 taong gulang at pinasalamatan ang mga nangyari sa kaniyang sa mga nagdaang taon ng kaniyang buhay.

Bagaman umaakyat na ang edad ni Roselle, hindi maitatanggi na tila hindi halata sa kaniyang hitsa ang naturang edad dahil napakaganda pa din nito at batang batang tingnan.

“I just turned another year older today, today I turned 45. I have so many things to be thankful for! I have been really blessed and for what my heart is full and filled with appreciation”

“I hope we can overcome the hardships and challenges we are facing now… keep safe everyone and always remember to make every moment count.. Especially with those people who truly matter the most!. Family is Love. Special thanks to my hubby, Allen and the rest of my family. Thanks to those who remembered and sent me warm greetings “