Estudyante sa Probinsya ng Leyte, nagwagi ng P20M sa isang Science Competition at Tinalo ang halos 11K na Participants sa buong mundo

Ang pinaka-susi at puhunan para mapagtagumpayan o matupad ang ating mga pangarap sa buhay ay ang tiyaga, talino at higit sa lahat ay ang pagiging masipag. Idagdag pa riyan ang likas na pagiging malikhain at madiskarte natin mga Pilipino.

Dahil sa mga katangian na yan ay hindi na nakakapagtaka pa kung bakit ang karamihan sa ating mga kababayan ay nagiging matagumpay sa kanilang pangarap at nalalampasan ang lahat ng hamon na dumarating sa ating buhay.

Isang patunay diyan ay ang isang estudyante na mula sa Tacloban, Leyte at isa sa mga Survivor ng “Bagyong Yolanda” na humagupit noon sa bansa partikular na sa Tacloban.

Kung ating matatandaan, noong 2013 ay sinalanta at hinagupit ni bagyong Yolanda ang probinsya ng Leyte. At isa sa mga napinsala ng matindi ay ang pamilya ni Hillary Diane Andales na isang Grade 12 Student.

Ayon kay Hillary Diane,

“We had to run up to our double-deck bed kasi we didn’t have a second floor.”

Dagdag pa ni Hillary,

“My dad punched the ceiling tapos doon na lang kami sa steel trusses of the roof. We held on to those steel trusses for 7 hours until the storm surge subsided.”

Samantala. sa kabila ng sinapit ng pamilya ni Hillary Diane nagpapasalamat pa din siya sa Diyos dahil wala ni isa man ang nasaktan sa kanyang Pamilya.

Sinabi rin ni Hillary Diane na ang naranasang pagsubok na iyon ay ang naging daan niya upang lalo siya magsumikap sa pag-aaral at maging maganda ang buhay. At hindi nagtaglay naging motibasyon niya ito upang manalo sa isang kumpetisyon na kanyang nilahukan kalaban ang halos 11,000 na kalahok mula sa ibat-ibang parti ng mundo.

Si Hillary Diane ang tinanghal na grand prize winner sa libo-libong lumahok sa naturang international science competition na Breakthrough Junior Challenge.

Nagkamit si Hillary ng malaking premyo gamit ang kaniyang proyekto na may titulong “Relativity and the Equivalance of Reference Frames.”

Tinatayang nasa P20 million ang halaga na naiuwi ni Hillary at hindi lamang yan kabilang rin sa kanyang napanalunan ang scholarship grant at reward sa kaniyang guro at paaralan.

Sa naturang entry ni Hillary Diane, Ipinaliwanag niya sa simple ngunit malikhaing paraan ang Theory of Relativity sa tulong ng pick-up-truck at cellphone.

Napag-alaman naman na layunin ng naturang patimpalak na bigyan ng parangal ang mga matatalinong estudyante na kayang ipaliwanag ng mas malinaw at simple ang mga komplikadong bagay sa mundo ng siyensya.

Saad ni Hillary, “pera” ang tingin niya sa kaniyang oras.

Aniya,

“If I don’t think about my time as money, I spend it mindlessly. Hindi ko siya iniisip na valuable siya when in fact it is a limited resource.”

Dagdag pa ng genius student,

“It’s a good way to look back on my growth.

“When I look at my attempts folder, I see myself as someone who’s not afraid of failure and someone who is going into things, entering into things with the intent to grow, not to win.”

Kwento naman ni Hillary Diane, Bata pa lamang daw ng siya ay maengganyo sa mundo ng siyensya at sa halip na fairy tales ang ikwento ng kaniyang mga magulang ay puro science trivia ang ibinabahagi ng mga ito sa kanya noong siya ay maliit pa lamang.