Isang Babae, nanganak mag-isa sa gilid ng kalsada ! Viral Online

Pinag-uusapan ng maraming netizen ngayon sa social media platform na Facebook ang isang babae na di umano’ y nanganak ng mag-isa sa gilid ng kalsada.

Hindi makapaniwala ang mga netizen sa babae na ito na sarili lamang niya ang nagpaanak sa kanya at sa gilid pa ito ng kalsada.

May mga netizen naman na hindi napigilan magkomento dahil sa kanilang nakita na di umano ay marami naman daw mga tao na nakakakita sa naturang babae na nanganganak ngunit wala daw ni-isa ang tumulong rito.

Subalit kahit daw walang tumulong sa babae ay nairaos naman nito ng maayos ang pangangak nito.

Makikita ang ilang larawan ng babae na nakasandal lamang sa isang saradong establisyimento habang karga-karga ang kanyang sanggol.

Ibinalot rin ng naturang babae ang kanyang sanggol sa isang puting lampin habang yakap-yakap.

Samantala, ayon naman sa netizen na nagbahagi ng naturang lawaran na kinilalang si Walter. Humingi na raw siya ng tulong dahil naawa siya sa kalagayan ng mag-ina.

Kung titingnan tila isang palaboy ang babae dahil madungis nitong itsura. Wala pang update sa pagkakakilanlan ng babae at kung maayos na ba ang kalagayan nito ngayon.

Sa ngayon ay nasa ospital na raw ang mag-ina at dahil na rin sa tulong ng alkalde ng DasmariƱas ay nasa maayos ng kalagayan ang mag-ina. Dagdag pa riyan nung nagviral daw agad ang mga larawan ng mag-ina ay agad itong nakarating sa naturang Alkalde kaya naman agad-agad nila itong inaksyunan upang matulungan.