Isang Batang Kalye, Labis ang tuwa nang magkaroon at mahawakan first time ang Birth Certificate

Marahil kung minsan may mga bagay tayo na binabalawela dahil abot kamay lamang natin at madali natin makuha, ngunit pagdating sa ibang tao lalo na sa mga mahihirap ay hindi nila kayang magkaroon ng mga bagay na ito.

Katulad na lamang ng Birth Certificate, kung iisipin ay lahat dapat ay maroon nito. Para sa karamihan lalo na sa mga naka-aangat sa buhay madali lamang magkaroon ng dokumento na ito subalit sa iba lalo na sa mga kapuspalad na walang tahanan at tanging lansangan ang tirahan ay pinagkakaitan nito.

Sa mga taong gaya nila na labis na hirap sa buhay, pahirapan pa at katakot-takot na proseso ang kailangan nilang pagdaanan bago pa nila mahagilap ang kapirasong papel na iyon. Kaya naman talagang napakalaking bagay para sa kanila ang magkaroon nito.

Katulad na lamang ng kwento ng batang ito, Siya si Angel ito ang unang pagkakataon na kanyang nahawakan ang kopya ng kanyang Birth Certificate.

Sa kanyang edad na 8 taong gulang, ito lamang ang kauna-unahang pagkakataon na siya ay magkakaroon ng birth certificate at first time niya itong nahawakan.

Sa larawan ni Angel na nakapost sa Facebook page na Popburri, Makikita sa mukha ng bata ang kasiyahan nang pagkakaroon ng isang papel na para sa marami ay hindi masyadong binibigyan ng importansya subalit para sa kanila ay kayamanan nila ito.

Mababakas din sa mga mata ng Batang si Angel ang mga kislap at ningning nito. Itong dokumento kasi ang magbibigay daan upang siya ay makapag-aral.

Ayon sa nasabing post, ie-enroll umano nila sa kindergarten ang 8-anyos na bata na nasa larawan.

Ang kwento na ito ni Angel ay umantig sa puso ng maraming netizen, natuwa ang mga netizen dahil nagawang magbigay ng ngito sa mga labi ng bata ang naturang birth certificate na kung sa marami ay simpleng papel lamang.

Narito ang caption ng nag-post sa larawan ng bata:

“Angel just got her first ever birth certificate and we are sooo excited to be enrolling her into kinder at the tender age of eight! Friends, you have no idea how many hoops need to be jumped through to get this piece of paper when you are homeless and don’t have all the proper info- we are truly celebrating. Fighting to be born, literally. Thank you Lord and all of you for your support.”

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“This made me cry! Thank you for giving her a sense of self and community! God bless you all”

“Dunno why, pero I’m feeling her eagerness. I hope years from now she succeeds on her endeavors. Go kiddo! You can do it”

“All i kept saying was Awwww. Cute kid and bless your kindness, Camille! Stay safe!”

“Every soul .. is God’s precious creation. Stay in school little girl..”

“Will you look at her joy! Thank you for doing this”