Lutong ulam na inihanda ng isang Ina bago ito pumånåw na priniserba ng pamilya, kakainin makalipas ang limang taon!

Ang isa sa pinaka-ayaw natin mangyari sa ating buhay at pinakamasakit ay ang mawalan ng minamahal o kapamilya. Siguro nga ay lahat tayo ay hahantong dito ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay madali itong tanggapin lalo na sa kapamilya ng naiwan.

Katulad na lamang ng naramdaman ng isang pamilya na mula sa bansang Japan ito ay matapos silang iwanan ng Ina ng kanilang tahanan.

Samantala bago ang pangyayari hindi inaasahan sa kanilang nanay ay nakapagluto pa ito ng isang napakasarap at paborito ulam para sa kaniyang pamilya.

Ayon sa isang anak na si Mizuki, Hindi raw niya malilimutan ang kanilang huling pag-uusap ng kaniyang Ina bago ito pumånaw. Aniya tinanong pa raw siya nito kung ano ang gusto nitong kainin at lulutuin niya para sa kanilang hapunan.

Napagdesisyunan daw ng kanyang Ina na magluto ng kanilang paboritong ulam na nilagang baboy para ito ang ihanda niya sa kanyang asawa’t anak.

Subalit, sa hindi inaasahang pangyayari ng makauwi si Mizuki galing sa eskwelahan ay laking gulat nito ng matagpuan niya ang kanyang Ina na nakahandusay sa sahig.

Agad naman nilang dinala ang kanilang Ina sa pinakamalapit na øspital upang ito ay lapatan ng emérgéncy tréatment ngunit bigo sila Mizuki dahil huli na ang lahat.

Namaalam na ang kanilang Ina ng gabing iyong, Dahil umano raw sa malübhång karåmdåman na kung tawagin ay SAH o Subåråchnøid hemørrhåge.

Nang makauwi naman sila Mizuki at ang pamilya nito mula sa øspital ay kanilang nakita ang inihanda ng kanilang Ina na pagkain para sa buong pamilya. Kaya’t bumuhos lalo ang luha niya ng makita ito.

Dahil sa labis na pagdadalamhati ng pamilya, Napagdesisyunan nilang panatilihin nalamang at ipreserba ang nasabing pagkain na niluto ng kanyang Ina upang magsilbing alala nito.

Mula noon ay iniwasan na ni Mizuki ang kumain ng ulam na ito sa takot na maalala niya ang gabing namayapa ang kaniyang ina.

Ngunit makalipas ang limang (5) taon, Si Mizuki kasama ang kanyang Ama ay na-feature sa isang Japanes Variety show upang gunitain ang araw ng pagpånåw ng kanyang Ina sa pamamagitan ng muling pagluto at pagtikim ng inuluto ng ina para sa kanilang pamilya.

Ayon naman sa mga eksperto, dahil raw sa posibilidad na makasama na ang pagkain sa kalusugan ay minabuti muna itong suriin sa isang labøratøryo at tiniyak ng isang chef na lutin ang pagkain sa init ng higit sa 100 degree celsius bago kainin.

Bukod dito sinigurado rin na maayos ang presentable at ligtas ito kainin bastat maliliit na sukat lamang ang kanilang ikokonsumo dito.

Mababakas sa mukha ng mag ama ang tuwa at pagkasabik ng muling inihain sa kanila at matikman ang pagkaing huling niluto para sa kanila ng namayapang ilaw ng tahanan.

Hindi nagtagal sa kalagitnaan ng naturang show ay dahan-dahan tumulo ang luho ni Mizuki ng muling matikman ang masarap na luto ng kanyang Ina. Kaya’t ganun na lang din ang pasasalamat ng mag-ama sa chef dahil sa ginawang ito.

Kaya naman para sa lahat, Magpasalamat tayo sa araw-araw na kasama parin natin ang ating magulang. Dahil maituturing na isang blessing o biyaya ang umuwi sa ating tahanan kasama ang ating Nanay at Tatay lalo nat may inihandang masarap na ulam si Nanay sa ating hapagkainan.

Source: Theasianparent