Banyagang amo viral matapos makita kung paano ituring ang kanyang Pinay na kasambahay

Ang pagiging Overseas Filipino Worker (OFW) ay hindi basta-bastang trabaho, malaking sakripisyo ang kanilang ginagawa para lamang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya, Kanilang iniiwan ang mahal sabuhay para sa pag-asang aahon sila sa kahirapan.

Kung minsan pa ay may mga kababayan tayong nagtatrabaho bilang OFW na hindi sinuswerte sa kanilang amo pagdating sa ibang bansa.

Marami tayong nababalitaan na minam@ltrato ang ating mga kababayan ng kanila mismong employer at ang malala ay kung minsan umaabot sa pa na uuwi na silang malamig at wala ng buhay.

Kaya kung ikaw ay isang OFW at makatagpo ka ng employer o amo na ang turing sayo ay kapamilya dapat mo na itong pahalagahan at ipagpasalamat dahil napaka swerte mo na.

Katulad na lamang ng isa natin kababayan na OFW na ngayon ay usap-usapan sa social media. Mapapanood ang TikTok video ng isang banyagang employer na pinagsisilbihan ang ating kababayan na isang Pinay Kasambahay.

Dahil sa naturang video, maraming netizen ang humanga at natuwa sa video na inupload ng TikTok user na si @hamad66677. Kumalat ang naturang tiktok video sa social media nirepost din ito ng isang netizen natuwa na isa rin palang OFW sa Saudi na si Ashlyn Mato.

Sa naturang caption ni Ashlyn , Nagpapasalamat din siya sa kanyang amo katulad ng lalaking amo na mapapanood sa naturang video.

Ayon naman sa ilang komento ng mga netizens, Isa daw vlogger at chef ang naturang lalaking amo na napanood sa video na pinagsisilbihan ang ating kababayan sa hapagkainan kahit ito ay isang kasambahay.

Marami pa ang lubos na humanga sa naturang lalaking banyaga matapos makita ang marami pang video nito sa kanyang TikTok account kung saan ipinagsasandok pa nito ng pagkain ang kanyang kasambahay na isang Pinay.

Dahil naman sa magandang ipinakita ng employer sa kanyang kasambahay, umani ito ng papuri at paghanga mula sa mga netizen.