VIRAL: Drone Shøt video ng pangyayari sa Tinubdan Falls, inilabas na!

Usap-usapan ngayon sa social media ang kumakalat na actual video ng isang trahédya sa Tinubdan Falls sa Barangay Tabili, Catmon Town sa probinsya ng Cebu.

Ang naturang video ay pinost mismo Facebook ni Gha Capuyan Landero. Halos lahat ay napapanood na ito samot saring reaksyon ang nakuha ng naturang video mula sa mga netizen.

Mapapanood sa video na may isang grupo ng mga kabataan na tila masasayang naliligo sa naturang ‘Falls’ subalit maya-maya sa mga sumunod na sandali ay tila biglang taas at apaw ng tubig na naging dahilan sa pag anod ng naturang mga kabataan.


Sa ulat ng mga awtoridad 3 tao ang sinasabing nawawala, ito ay nangyari noong Linggo (September 26,2021) kinilala ang mga nasabing nawawala na sina Jazel Alastra 32, Kent Jude Monterola 17 and Princess, 7.

Ang mga sinasabing nawawala ay miyembro ng isang pamilya na nagrenta umano sa naturang paliguan. Ang tinubdan falls ay kilalang tourist destination sa Cebu ito ay may layong 15 kilometro mula sa bayan.

Ayon kay Catmon Police Station Investigator Police Corporal Arigo ang iba namang kabataan na makikita sa video na inabot ng baha ay maayos naman nailigtas at ngayon ay nasa maayos narin na lagay. Sinabi na rin na isang dahilan daw ng pag-apaw at pagragasa ng tubig ay ang pag anod o tangay ng malalaking bato na nagsisilbing harang sa naturang Falls.

“The floodwater came suddenly. It was raining in the mountain, but where they were, there was no rain. They were swept away just like that,” ayon kay Corporal Arigo.

Sa kasalukuyan ay patuloy parin ang paghahanap ng mga rescuer para sa tatlong nawawala sa naturang trahédya.