Aktor na si Carlo Aquino Kasama raw dapat sa Cast ng hit at No.1 K-drama ngayon na “Squid Game”

Sikat na sikat ngayon ang K-drama at Korean thriller netflix series na “Squid Game” sa buong asia partikular na dito sa ating bansa.

Samantala, muntikan na palang maging parte ng naturang trending Korean thriller na “Squid Game” ang ating kababayan at batikang aktor na si Carlo Aquino.

Ito ay matapos aminin mismo ng aktor sa kanyang Instagram story, makikita rin sa kanyang story ang litrato niya noong June 2020 kasama si Hwang Dong-Hyuk na direktor ng nasabing Netflix series.

Mababa rin sa inilabas ng aktor na handwritten note ni direktor Hwang, nagpapasalamat ito kay Carlo Aquino sa ginawa nitong effort at umaasa siya na aktor ay makatrabaho niya sa hinaharap.

“A handwritten note from a brilliant director. Wooop!! Couldn’t be more excited to work with you guys once this pandemic is over,” saad nito sa caption.

Kasama sa ibinahagi ni Carlo sa kanyang IG story nitong Huwebes ay ang kanyang pag-amin na dapat pala ay isa siya sa mga cast ng “Squid Game.”

“This was supposedly a role for #SquidGame,” saad ng batikang aktor.

Samantala, Naglabas naman ng pahayag si Beatrice Candaza na kapatid ng partner ni Carlo Aquino na si Trina. Dapat raw ay gagampanan ng aktor ang isang role sa naturang palabas subalit dahil raw sa pagkakaroon ng travel restriction dulot ng pandemya ay hindi ito natuloy.

Kung natuloy raw ito ay makakasama rin sana ni Carlo ang South Korea based Filipino actor na si Christian Lagahit na isa sa mga 456 players ng naturang serye.

Ang Filipino actor na si Christian Lagahit ay lumabas sa serye sa Episode 4 bilang si Player 276.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carlo Aquino (@jose_liwanag)

Sa mismong instagram account ni Lagahit ay nagbahagi siya ng ilang litrato kung saan siya ay nasa set at kasama nito ang ilang co-star ng naturang series.

SI Lagahit ay naka distino sa Korea at nagtatrabaho dito bilang English Teacher at isang partime actor, Bukod naman sa “Squid Game” lumalabas na rin ang ating kababayan na si Lagahit sa ilang mga pelikula tulad ng “Space Sweepers” na isang Korean sci-film.

Source: ABS CBN