Isang Lalaking nakasaklay habang namamalimos, bigla na lamang NAKATAKBO matapos sitahin

Dahil sa labis na kahirapan may mga tao talagang lahat ay gagawin mabuhay lamang, ang iba ay nagagawang manloko o linlangin ang kapwa para may makain at makakuha ng pera.

Halimbawa nalamang ay kahit normal at kumpleto ang iyong katawan ay magkukunwari kang ikaw ay may deperensya upang kaawaan ng iba at makalikom ng pera.

Katulad na lamang sa nangyari sa EDSA na nakuhanan mismo ng video, Mapapanood sa video ang isang lalaki na diumano ay nakasaklay na tila iika-ika ito raw ay lagi nakatambay sa EDSA Carousel sa bahagi mismo ng Ortigas City at dito nanghihingi ng limos sa mga taong nadaraan doon.

Subalit ng siya ay sitahin ng isang traffic marshall ay nagawa niyang bitawan ang kanyang saklay at hinabol ang naturang marshall ng såksåk.

Ayon sa ulat ng GMA News 24 Oras noong nakaraang Miyerkules, ipinakita ang video na nakuhanan ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT), mula nang sundan ng Marshall ang lalaking nakasaklay hanggang sa dulo ng subway.

Sinabihan rin ng marshall ang mga taong naroon sa lugar ng babala tungkol sa lalaking nakasaklay ito ay matapos ireklamo ng ilang tao na hinihingian ng naturang lalaking naksaklay ay kapag hindi raw binigyan ay nagmumura daw ito.

Ngunit tila hindi pinakikinggan ang marshall ng naturang lalaki at imbis na umalis ay naglabas umano ng patålim ang lalaki at ibinababa ang saklay at mabilis na hinabol ang Enforcer ng såksåk.

pahayag naman ng marshall na si Seaman Second Julius Abundol ng Philippine Coast Guard ay nakatanggap umano siya ng reklamo mula sa dalawang commuter na nanghihingi umano ng pera sa kanila. Ngunit nang hindi mabigyan ang lalaking nakasaklay ay nagmurå at naglabas umano ito ng patålim.

“Sabi ko ‘Sir tumabi po kayo’ kasi nga gawa ng natatakot na ‘yung mga commuters na nakapila. Noong naglalakad kami rito, papunta kami sa poste parang may binubunøt siya. Sinasabihan ko na ‘Sir umalis na po kayo’ kasi naglalakad siya, minümüra niya po ako,” ayon kay Abundol.

Dagdag pa ni Abundol, tutulungan pa raw niya sana na makatawid ang naturang lalaki sa kabilang bangketa ng EDSA papalayo sa mga commuter ngunit hinabol na raw siya nito at may hawak na patalim.

“Sa isipan ko sir, nakasaklay eh, tapos nakatakbo?!” pahayag ni Abundol.

Mabilis naman rumesponde sa naturang lugar ang isang taga-Highway Patrol Group na police escort upang tulungan si Abundol na makontrol ang lalaki at makuha ang patalim nito.

Ayon naman sa mga awtoridad, Hinala nila na may problema sa pag-iisip ang lalaki,

Narito sa baba ang kabuuang video.