Matandang Grab Driver, binuhusan ng mainit na sabaw ng kanyang customer dahil sa naantalang deliver

Labis ang pagkagalit ng isang anak na ito na hindi napigilan na ilabas ang kanyang sa loobin sa social media, ito ay matapos sapitin na mapahiya at masaktan ang kanyang amang grab driver matapos buhusan ng mainit na sabaw ng isang customer.

Sa mismong Instagram post na may username na Esther Erin, mababasa dito mismo ang saloobin dahil sa nangyari sa kanyang ama na isang grab Driver, nagpost rin si Esther ng isang paghanga at papuri sa ibang delivery rider katulad ng kanyang Ama.

Kwento ni Esther, araw-araw daw gumigising ng maaga ang kanyang ama para magtrabaho, Noong araw daw ng mangyari ang pananakit sa kanyang ama ay may iniinda pa ito dahil bago raw ito pumasok ay masakit na ang katawan nito at masama pa ang pakiramdam.

Pagdadagdag pa ni Esther, 12 hrs na nagtatrabaho ang tatay niya simula noong påndémiya.

“Nobody knew he had been driving for 12 hours straight, every single day for the past year. His usual routine includes his simple breakfast at 5.30am, followed by lunch at 8pm.”

Dagdag pa ni Esther, hindi raw iniinda ng kanyang Ama ang nararamdaman sa katawan ang nasa isip lang daw nito ay kumita para sa kanilang gastusin.

“The pain in his back and the hunger in his stomach were nothing compared to the worries in his mind: ‘Will I make enough deliveries today to cover the bills?’”

Ayon pa kay Esther ay malapit na raw sila kumain ng halunan subalit tumanggap pa raw ng isang order ang kanyang ama ng mha bandang alas sais ng hapon.

Samantala , nang makarating daw ang kanyang tatay sa isang korean restaurant ay tinignan raw agad ito ng isang staff ng restaurant at sinabing sa labas lamang pwede maghintay ang mga deliver riders.

“Why the f*ck is my food taking so long to arrive?” sabi ng customer.

Kaya naman agad nag-panic ang ama ni Esther at pina-follow-up agad ang order ng kanyang customer.

Subalit agad sinigawan ang Ama ni Esther ng may-ari ng restaurant.

″NOT READY! Grab drivers outside! -pasigaw ng may-ari ng restaurant.

Nagpaliwanag naman ang Ama ni Esther sa kanyang customer ngunit sinabihan lang ito na bibigyan siya ng mababang rating.

Ayon kay Erin, naghintay pa ulit ng 20 minuto ang kanyang ama bago ito dali-daling idineliver ang order ng kanyang customer.

Pagdating sa customer ay nagpaliwnag at sinubukang humingi ng paumanhin ng kanyang tatay sa customer ngunit sinabihan ito ng “You jangan kurang ajar (You don’t be disrespectful)!”

Wala ng nasabi at nagawa pa ang Ama ni Esther kaya inabot nalamang nito ang naturang order ng customer.

Subalit nagulat nalang daw ang ama ni Esther ng ibuhos sa kanya ang sabaw ng naturang customer.

The customer took the packaging which includes a piping hot bowl of soup and threw it back at the Grab driver,” sabi ni Erin.

“So f*cking long better don’t deliver next time,” sabi raw ng customer, na ibinahagi ni Erin.

Dagdag pa ni Esther hindi daw ito ang unang pagkakataon na murahin at sigawan ang kanyang ama ng ibang customer.

Subalit sa kabila raw ng nararanasan ng kanyang ama ay nagpapasalamat pa raw ito dahil may trabaho parin siya.

He was two hours late for our dinner. His clothes were damp. His skin had burnt spots. His eyes were puffy.”

“Could you stand to see your father get büllied and all you could do is pat them on the back and tell them ‘everything is going to be okay?’,” nagtatanong na pahayag ni Erin.

“This is what Grab drivers have to go through daily. They wait for hours, risk their lives on the road to deliver food — only to be treated with disrespect, emotional abüse, an endless string of insults while being at the mercy of an app that users can rate depending on their mood and standards.”

Samantala, agad naman umaksyon ang kompanya ng Grab at sinabing sila ang magsasampa ng kaso na nararapat laban sa customer.

At pahayag pa ni Esther ay kaya daw siya nagpost ay gusto lamang magbigay ng paaalala sa lahat na maging mabuti sa bawat isa.

“I hope that we can have more empathy and kindness with the people around us,” sabi ni Erin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Esther Erin ✞ (@esthererin)