Marahil ang marami sa atin ay sensitibo pagdating sa kanilang mga buhok, kaya naman ang iba ay todo alaga dito at talagang ini-ingatan.

Samantala alam naman natin na ang pinakamaganda parin istilo pagdating sa buhok ay ang tuwid o ‘straight’.

Lalo na para sa mga kababaihan mas gusto nila ng makintab, malabot at higit sa lahat ay tuwid.

Subalit marami sa atin ang hindi nabiyayaan na magkaroon ng natural na tuwid na buhok kaya ang iba ay kung ano-ano ang pinapahid na gamot sa buhok upang ito ay tumuwid.

Gaya na lamang ng mga serbisyo na binabayaran sa mga salon na maaaring makapag patuwid ng mga buhok.

Ngunit ang mga ganitong uri ng paraan ng serbisyo ay kalaunan din ay babalik sa natural nitong anyo.

Mayroon din pagkakataon na ang pagpahid ng kung ano-anong gamot sa ating buhok ay may masamang epekto na makuha dito o kaya naman ay magkaroon ng sugat sa anit o pagkalagas ng buhok.

Pero lingid sa kaalaman ng marami mayroon parin mga natural na paraan na maaari gamitin upang bumagsak o tumuwid ang buhok na hindi kinakailangan pang gumamit ng mga kémikal.

Narito ang Pito (7 ) na ibat ibang uri ng paraan na maaari gamitin upang makuha ang minimithing tuwid na buhok

1. Gatas ng niyog


Pinaniniwalaan na ang paggamit ng niyog na may lemon juice ay nakakatulong upang bumagsak ang buhok, mayroon din raw itong abilidad na bigyan kintab at lumambot ang buhok.
*Paghaluin ang 1/4 tasang coconut milk at 1 kutsarang lemon
*Palamigin sa refrigerator ang mixture magdamag
*Sa umaga iapply ito sa buhok simula sa roots hanggang sa sulo
*Iwanan ito sa loob ng 30 minutes bago lagyan ng shampoo at banlawan

2. Itlog at olive Oil


Ang itlog raw ay mayroong protina at may kakayahang panatilihing makintab at matubay ang buhok habang ang olive oil ay tumutulong rin sa pagpapakintab at mapalambot ang buhok.
*Paghaluin ang itlog at olive oil sa lalagyan
*Matapis batihin ito at ilagay sa iyong buhok.
*Iwanan sa loob ng isang oras
* Hugasan ng tubig at mild na shampoo ang iyon buhok

3. Aloevera


Ang aloevera ay may mga natural na kémikal sa pagpapanatiling palambutin ang buhok. Dahil ang aloevera ay may taglay na kakayahang upang mapanatiling moisturized ang buhok sa mahabang oras.
*Maghali ng 1/4 tasang coconut oil at 1/4 tasang gel aloevera
*Siguraduhing i Mix itong mabuti
*Iapply ang nagawang paste sa iyong buhok at iwan ng 40 minutes.
*Banlawan ng tubig at shampoo

4. Milk , Honey and strawberry


Likas na mayroon ang gatas na taglay upabg mapatuwid ang buhok mayroon din itong protina.
*Paghaluin ang gatas at isang kutsarang honey
*Pagkatapos ay ihalo ang dinurog na strawberry
* Ilagay sa iyong buhok at ipulot ang isang towel
* Hugasan ito makalipas ang 2-3 oras

5. Castor Oil


Mayroong taglay na benipisyo ang castor oil na mapaganda ang ating balat magamot ang mga balat na may sugat, Tumutulong din itong mapatuwid ng natural ang ating buhok.
*Ilagay sa ulo ang malamig na castor oil habang minamasahe ito.
*Pagkatapos ay lagyan ng towel ang buhok at iwanan ito ng 30 minuto
*Hugasan ito ng dahan dahan gamit ang kahit anong shampoo.

6. Vinegar


Isa sa mga madalas na ginagamit na paraan ng marami sa atin ay ang Vinegar o Suka, nagbibigay ito sa buhok na natural na kintab at dulas. Haluan lamang ito ng malamig natubig bago ibuhos sa ating buhok.

7. Lemon juice at Coconut Oil


Natural na nagbibigay ang coconut oil na maging malambot at makintab ang buhok habang ang Lemon Juice ay mapadulas at mapabango ang buhok. Ipaghalo lang ang dalawang ingredient at ito ay ilagay at ipunas sa ating buhok pagkatapos ay banlawan ng malamig na tubig.

Sana’y makatulong ang mga paraan na ito na mapaganda ang ating mga buhok na hindi na kailangan gumanit ng ibat-ibang kémikal.

Source: PGSHOP