Walang ibang dasal at hiling ang isang Ina kundi makita ang kanilang mga anak na lumaking maayos, malusog at masigla.

Lahat ay gagawin ng isang magulang para sa kanilang anak po-protektahan nila ito hanggang sa kanilang makakaya.

Para sa mga magulang lalong lalo na sa bawat Ina hindi nila kakayanin kapag nawala ang kanilang anak lalo na sa mga pangyayari na hindi natin inaasahan.

Kaya naman hanggang maaga ay dapat malaman ng mga magulang ang dapat at hindi dapat gawin sa kanilang mga sanggol upang maiwasan ang trahédya o pangånib dito.

Katulad na lamang ng naging pahayag at kwento ng netizen na may username na Venussa Dungo, ayon sa kanya may isang taong nag chat sa kanya upang bigyan siya ng paalala tungkol sa kanyang anak na isang sanggol.

Ipinost daw ni Venussa ang kanyang nalaman upang maging paalala din sa iba na tulad niya ay isa ring magulang, Ito ay ang tungkol sa Sudden Infant Déåth Syndrøme o iyong SIDS.

Ang sudden infant d3ath syndrome raw ay isang hindi maipaliwanag at biglaang pagkamåtåy ng mga sanggol na may isang taon pababa.

Ang ganito raw ay nangyayari sa kalagitnaan ng pagtulog ng mga sanggol o sa mga bandang alas dose ng madaling araw. Hindi raw ito madaling mapansin dahil walang paghihirap na maririnig sa sanggol.

Kaya naman nagpaalala din si Venussa sa ibang Nanay katulad niya at sinabing parating bantayan ang mga Baby sa bahay at huwag hayaang nakadapa ito matulog.

Narito ang kabuuang post ni Venussa Dungo:

“GRABE ‘TO!!!!
“Nag-myday kase ako ng picture ng baby ko na natutulog ng nakadapa. Then may nagreply sa myday ko na Facebook friend. Sobrang makakatulong to sa mga moms out there na hindi aware sa Sudden Infant D3ath Syndrome aka SIDS.”

“Wag nating sanayin mga baby naten na natutulog ng nakadapa especially ages less than one year. IWASANG ITABI SA PAGTULOG.

WAG TATABIHAN NG KUMOT, UNAN O EXTRANG MGA BAGAY. MAKE SURE NA MAKADIGHAY (BURP) AFTER MAGDEDE.

WAG MASYADONG BALUTIN ANG BABY. PATULUGIN ANG BABY NG NAKATIHAYA. WAG MASYADONG BALUTIN ANG BABY, THEY MAY OVERHEAT.”