Mayroong isang village sa Europa ang nagkakaroon ng problema sa internet connection ito ay tuwing sumasapit ang Alas-7 ng umaga tumatagal raw ito ng halos 18 buwan.

Ang lahat ng residente sa naturang village ay nagtataka kung bakit nga sabay-sabay silang nagkakaroon ng problema sa kanilang internet connection sa parehong oras sa halos 18 buwan.

Ayon pa sa mga residente na narito ilang beses na raw nila ito pinaayos at pinakonsulta sa mga openreach Engineers ngunit wala naman nakikitang problema ang mga ito sa kanilang internet connection.

Dagdag pa nga ng mga Engineer ay pinalitan pa umano ng mga ito ang mga kanilang mga kable doon ng internet sa pag-aakalang nandoon ang kanilang problema.

Ngunit, hindi pa rin nito naaayos ang matagal na nilang hinaing sa kanilang mga internet connection.

Dahil walang makitang problema ang mga Engineer ay napagdesisyunan ng mga ito na paimbestigahan ang nangayayri dito. Hanggang isang araw ay natukoy ng imbestigador at residente ang ugat ng problema.

Ayon sa isinagawang pag i-imbestiga mayroon umanong isang ‘electrical interfence’ na nangagaling raw sa isang bahay sa naturang Village.

Sa pamamagitan ng kanilang ‘spectrum analyse’, natukoy ng mga Openreach Engineers na mayroong nangyayaring ‘Shrine’ o single high level impuls noise sa naturang Village.

Agad pinuntahan naman ng mga Engineers na ito ang nasabing bahay kung saan nag-uugat ang problema, natuklasan ng mga ito na isang lumang TV pala ang dahilan ng pagkakaroon ng problema sa internet connection ng buong village.

Ayon naman sa may-ari ng naturang bahay na isang pensionado hindi niya alam ang nangyayari at hindi siya makapaniwala na ganoon pala ang epekto ng kanyang tv.

Kinumpirma naman niya na tuwing umaga sa oras ng alas 7 niya binubuksan ang telebisyon.

“We walked up and down the village in the torrential rain at 6am to see if we could find an ‘electrical noise’ to support our theory…

“And at 7am, like clockwork, it happened. Our device picked up a large burst of electrical interference in the village. The source of the “electrical noise” was traced to a property in the village…

“It turned out that at 7am every morning the occupant would switch on their old TV which would in turn knock out broadband for the entire village,” pagpapaliwanag pa ng Openreach engineer na si Michael Jones sa nangyari.

Maging ang mga residente sa naturang village ay hindi makapaniwala na ang lumang telebisyon ang sanhi ng matagal na nilang problema sa internet.

Dahil rito nagkaroon ng kasunduan ang mga ito na kahit kailanman ay hindi na gagamitin ng may-ari ang naturang TV.

“As you can imagine, when we pointed this out to the resident they were mortified that their old second-hand TV was the cause of an entire village’s broadband problems, and they immediately agreed to switch it off and not use it again,” ani pa ni Jones.

Nagpahayag naman ang isang miyembro ng Openreach Engineers na zi Suzzane Rutherford na ang ganitong pangyayari daw ay hindi na bago sa kanila.

Isa daw sa magandang gawin para maiwasan ang ganitonay siguraduhing ‘properly certified’ at naayon sa pamantayan ang ginagamit ng publiko.

“Anything with electric components – from outdoor lights to microwaves to CCTV cameras – can potentially have an impact on your broadband connection,” saad pa ni Rutherford.

Source: Kiat