Halos lahat na ata ay sumubok na gamitin ang patok na patok ngayon sa social media ito ay walang iba kundi ang Tiktok, Mapa-Bata man o Matanda ay bentang-benta ito.

Marami ang nahuhumaling sa TikTok dahil sa platform na ito kahit ano pang gusto mong gawin ay maaari dito pagsayaw, pagkanta at Marami pang iba.

Makikita sa Facebook ang hindi mabilang na nagviral na video galing sa TikTok dahil na rin sa kakaibang content at karamihan ay matatawa ka talaga.

Madalas natin mapanood na ginagaya ng mga kabataan na nag TikTok ay ang mga dance challange na nage-trending sa TikTok at sa Facebook.

Marami na ang sumubok sa ganitong mga klaseng content kahit na ikapapahamak na ng gumawa ng challenge kapalit ng likes at followers. Ito ay isa sa mga dahilan kung bakit marami ang nadala sa pagti TikTok.

Samantala, mayroong isang video ngayon na nagva-viral sa Facebook, ito ay ipinost ng isang concerned citizen kung san mapapanood ang isang babae na nag ti-TikTok kasama ang mga tao na nakatambay sa Kalye.

Maya-maya lamang ay makukuhanan ng video ang pagdaan ng isang motorsiklo kung saan nahagip nito ang cellphone ng babae.

Nakuhanan rinnn video ang mismong pagsigaw ng babae dahil sa nangyari. Makikita rin ang motorsiklo na nagmamadali at tila hindi nagpepreno at walang pakial sa mga taong nasa kalsada.

Sa post ng isang babae na sinasabing tiyahin ng dalawang babae na nahagip ng motorsiklo habang nag ti-TikTok, hinihintay pa raw nila ang panig ng lalaki na nanawagan na makipag-usap sa kanila at harapin ang ginawa sa kaniyang mga pamangkin na ngayon ay sumasakit ang mga tuhod dahil sa mga sugat na natamo.

Narito ang kabuuang post ng nasabing Netizen,

“Sa may-ari ng motor na ito. Nag-aantay lang kami na haharapin nyo kami at ang pinsala na dulot ng pangyayari. Isipin mo sana ang dalawa kong pamangkin na umiiyak dahil masakit ang kanilang mga tuhod dulot ng nangyari kanina,” sabi ng babae sa kanyang post.

“Pasensyahan na lang, pero hindi namin isasauli ang motorsiklo kung hindi mo kami haharapin… at sa taong tumakas na taga Amonsao/Libo, hindi kami uurong sa paghahanap sa’yo.”

“Sana gawin itong leksyon ng karamihan na nagmomotor dito sa bukid, liit lang po ng ating kalsada. Magdahan-dahan kayo!” dagdag ng babae.

Samantala, sa naturang post ay taliwas ang mga naging komento ng mga Netizen na nakabasa nito. Ang karamihan sa mga komento ay kasalanan daw ng mga babaeng nasagasaan dahil nakaharang ito sa kalsada.

Narito ang ilang komento ng mga Netizen,

“Mga b*b*! Kasalanan nyo yan. TikTok ng TikTok sa daan. Kinain na kayo ng Tiktok at pasikat.”

“Ginawa nyo kasing stage ang daan. Sana maging lesson din sa inyo ito na hindi kayo dapat mag tambay at mag tiktok sa daan. At hindi naman mabilis talaga yung motor”

“In the first place, bakit dyan kayo sa gitna ng daan na yan yung daanan ng mga kotse at motor. T*nga. Kayo yung may lugi kaso, hindi kayo may-ari ng daan.”

Samantala, marami narin tayong napanood sa social media na ganitong senaryo o pangyayari, mga aksidente dahil sa kalabisan na paggamit kung saan saan ng naturang application, nawa’y maging leksyon ito sa lahat na dapat ay ilugar ang paggamit nito sa lugar kung saan magiging ligtas.

Source: Kiat