Ang kasikatan sa pagiging artista ay natatapos din, hindi palaging ang iyong karera ay nasa rurok ng tagumpay dahil maaring sa isang iglap lamang ay mawala ang iyong career.

Dahil dito marami ngayon ang mga batang artista pa lamang ay nag-iinvest na agad upang sa kanilang pagtanda ay may ipon sila.

Ngunit nakakalungkot lang isipin na hindi lahat sa mga artista ang kayang gawin ito o hindi ito ginawa.

May ilang mga artista kasi na pagkatapos ng karera sa showbiz ay nalihis ng landas. Kung dati ay hinahangaan sila sa telebisyon ngayon ay tila dinadaanan-danan na lamang sila sa lansangan.

Katulad ng dating young star na si Brandy Ayala. Ipinanganak siya bilang Remedios Estrada ngunit ng siya ay pumasok sa showbiz ay mas pinili niya ang screen name na Brandy Ayala.

Noong kapanahunan pa ng ating mga Lolo at Lola o kaya naman ng ating Nanay at tatay si Brandy Ayala ay isa sa mga sikat na modelo noon. Sa katunayan nga ay kabilang rin si Brandy sa grupo na tinaguriang ‘Liquiør Beauties’ .

Taong 1980, ang manager pa niya ay ang namayapang talent scout na si Rey Dela Cruz, dahil sa angking kagandahan ni Brandy at talento napabida siya sa ibat-ibang programa , endorsement at mga pelikula.

Subalit habang siya ay nasa rurok ng kasikatan ay nalihis ng landas si Brandy at nalulong sa ipinagbabawal na gamot.

Dahil sa nangyari kay Brandy, unti-unting nawala ang kanyang karera hanggang sa pagtanda niya ay nawala na siya sa kanyang sarili dahil sa ipinagbåbåwal na gamøt.

Samantala, kamakailan ay usap-usapan sa social media ang nagviral na post ng isang netizen kung saan nakita niya ang dating young star na si Brandy Ayala na pagala-gala na lamang sa SM City San Lazaro at namamalimos.

Ayon naman sa naging pahayag ng malapit na kaanak ni Brandy, ilang beses na nilang sinubukan na kupkupin ang dating séxy star.

Ngunit lagi raw itong umaalis at hindi na nila nakikita. Sa kabilang banda naman ay nagpaabot ang mga netizen ng prayers at suporta kay Brandy, panawagan din ng iba na sana daw ay matulungan ng mga artista ang kapwa nila dating artista.