Ang mga aso ang pinaka-malapit na hayop sa mga tao dahil karamihan kasinsa atin inaalagaan sa ating mga bahay, Kaya naman kung tawagin ang mga ito ay ‘Bantay’.

Masarap sa pakiramdam ang may alagang hayop tulad ng aso, Dahil ayon sa marami nakakatanggal daw ito ng stress at bukod dito nababantayan pa daw nito ang buong pamilya at ang bahay laban sa mga masasamang tao lalo na sa dis oras ng gabi.

Kaya naman kung ituring natin ang mga aso ay parang kapamilya natin dahil ganoon rin sila sa atin, kaya nilang ibuhis ang buhay nila para sa kanilang amo.

Samantala, usap-usapan ngayon sa social medi ang isang post ng netizen na di Jennifer S. Castro tungkol sa isang aso na nakayakap sa kanyang batang amo habang natutulog sa isang foot bridge sa EDSA.

Narito ang naturang post ni Jennifer,

Napatingin nalang ako at napa isip sa nadaanan q kahapon. Iba tlga mag mahal ang mga alaga naten. Minsan dinaig pa ang mga kadugo o kamag anak.. Sila sasamahan ka sa hirap at ginhawa, sa initan at ulanan. Loyal pa sya sa JOWA mo ang alaga mo.

Baka po may makadaan dyan sana po kahit paano matulungan naten sila. Sa mga nagtatanong ng loc. Sa may Rotonda Pasay ko po sila nakita sa footbridge. Pwede ko din po kayo samahan sa loc. kung tlgang dsidido nyong tulungan sila

Dahil sa naging post ni Jennifer nakaabot ito hanggang sa GMA News, Kaya naman agad nilang pinuntahan ang Mag-amo na nag viral sa social media.

Nakilala ang batang babae na si Renzy Vedad, ayon sa kanya parang kapatid na raw niya ang alagang aso na si ‘Princess’ na isang babae at ito ay buntis.

Sinabi rin niya na kahit raw ito ay buntis hindi raw sila kinakagat nito sa katunayan nga daw ay malambing ito at palaging nakayakap sa kanya.

Dagdag pa ni Renzy at ng Nanay nito, Binabantayan rin daw sila ni Princess tuwing gabi habang natutulog sa lansangan.

Napalayas daw kasi sila sa kanilang tinutuluyan ng makulong ang kanilang Padre de Pamilya sumabay pa raw ang pandemic kaya naman wala silang magawa kung hindi ang matulog sa lansangan.

Hindi raw akalain ni Renzy na magva-viral sila sa social media dahil wala daw siyang kaalam-alam na sila ng kanyang alagang aso ay vine-videohan.

Panawagan naman ni Renzy na mahalin at alagaan raw ang mga alagang aso dahil may buhay rin ito tulad na dapat din nating mahalin.

Dagdag pa niya na sana raw ay may tumulong sa kanila ng kanyang Nanay at ng alagang aso na magkaroon ng masisilungang bahay.

Sa ngayon ay mayroon ng 50K reactions at 10K shares.