Ang Edukasyon ang pinakamahalagang kayamanan ng bawat isa sa atin. Ito kasi ang kayamanan na hindi mananakaw ng sinuman.

Kaya naman palaging sinasabi sa atin ng ating magulang na mag-aral tayo at magsumikap para magkaroon ng magandang kinabukasan.

Samantala, hindi naman lahat ay maganda at marangya ang buhay at walang pinoproblema sa pam-paaral. Ngunit sabi ng ng marami hindi hadlang ang kahirapan at problema para maging matagumpay bagkus ito ay gawing inspirasyon upang lalo tayong mag sumikap na maabot ang ating pangarap.

Ganyan ang pinatunayan ng isang magkasintahan na ngayon ay usap-usapan sa social media ang knailang kwento.

Ayon sa kwento napagtapos umano ng Lalaki ang kanyang Nobya sa pagka-Kolehiyo dahil sa pagsisikap nito bilang isang Konduktor ng Bus.

Nakilala ang Babae na Nobya ng Konduktor na si Sincer Mae Balili at ito ay nakapagtapos sa kursong Bachelor in Science and Business Administration.

Ikinuwento ni Mae ang kanilang pinagdaanan sa patungo sa kanilang tagumpay sa social media. Ayon kay Mae malaki ang kanyang pasasalamat sa kanyang dalawang taon a nobyo na si Eldirberto ‘Bert’ Tanghap Andil sa pamamagitan kasi ng kanyang pagtatrabaho bilang isang Konduktor ay napagtapos niya ang kanyang kasintahan.

Kwento pa ni Mae Noon raw ay dumating sa punto na gusto niya ng sumuko sa kanyang pag-aaral dahil raw sa kakapusan ng pera pangtustos sa pag-aaral.

Subalit para daw siya ay hindi matigil sa pag-aaral gumawa raw paraan ang kanyang kasintahan na si Bert. Nagdoble kayod raw ang kasintahan nito sa Trabaho bilang isang konduktor sa Rural Transit Mindanao Inc. para lamang hindi siya mapatigil sa pag-aaral at matutusan siya nito.

Labis ang pasasalamat ni Mae sa naging pagsasakripisyo na ito ng kasintahan niyang si Bert.

Kalakip ng larawan na ipinost ni Mae nagbigay siya ng mensahe sa kanya g kasintahan na si Bert sinabi rin niya rito kung gaano siya nagpapasalamat at ka proud sa pagiging supportive nito.

“Proud kaayo ako sa iyong full support saakung pag eskwela. Mao na bhalag sili siya makaapil nay way japon ug salaman kaayo kay timing kaayo ang orasan nila.

(Sobrang proud ako sa kanya dahil sa lubos na suporta sa pag-aaral ko. Kahit hindi man siya nakasama salamat pa din dahil tugma pa din yung oras namin”, ang naging saad ni Mae.

Samantala, dahil sa naging post na ito ni Mae na nag viral sa social media may isang full scholarship ang ibinigay kay Bert ng IT Tribal School, Kaya naman ngayong taon ay papasok si Bert bilang Grade 11 sa ilalim ng stran na Humanities and Social Sciences o HUMMS.

Pinatunayan lamang ng magkasintahan nina Mae at Bert na walang problema at pagsubok na hindi malalampasan. Magsumikap at wag sumuko sa pangarap yan ang susi sa tagumpay.