Usap-usapan ngayon sa social media ang nangyari sa isang Balut vendor, malamang ay kapag nabasa mo ang istorya niya ay isa ka sa mga netizen mapapa “sana-all” dahil sa kanyang biyaya na natanggap.

Ngayong panahon ng pandemya na lahat ay nakakaranas ng hirap at pagsubok malamang ay mahirap ng makakita ng mga taong taos pusong tumutulong sa ating kapwa. Dahil buong mundo ay apektado ng naturang pandemya.

Katulad na lamang dito sa ating bansa, Marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng trabaho dulot ng pagsara ng mga establisyemento. Bunga nito, labis na naghirap ang mga tao para matustusan ang araw-araw nilang pangangailangan.

Subalit , kahit pa nga siguro puno ng problema at pagsubok ay hindi parin mawawala ang pagkakaroon ng busilak na puso ng isang tao.

Katulad na lamang ng isang istorya ng isang Balut Vendor kung saan hindi niya akalain na siya ay susupresahin ng isa niyang customer at bibigyan siya ng isang regalong tiyak na hindi niya malilimutan.

Gulat na gulat ang Balut Vendor ng siya ay bigyan ng isang motorsiklo sa JDP MCshop sa loob mismo ng isang Motorshop ss Rosario Cavite.

Para daw may magamit sa pang araw-araw na pagtitinda ng kanyang panindang balut ay binigyan siya ng naturang customer ng Motorsiklo.

Ito daw ay para hindi na siya mahirapan pa sa paglalako ng balut at makauwi agad sa pamilya nito.

Ayon sa naging pahayag ng CAVITE CONNECT, Ang naturang lalaki na nagbigay ng Motorsiklo sa balut vendor ay kinilalang si Renz Marlon Gollaba Mateo.

Kwento ni Renz, Kanila raw pinapunta ang naturang balut vendor sa kanilang motorshop sa Rosario para daw bumili ng paninda nitong balut.

At dito nga nila sinurpresa ang gulat na gulat na Balut vendor ng sabihin nilang bibigyan nila ito ng motorsiklo na maaaring gamitin nito sa pagtitinda.

Labis labis ang pasasalamat ng balut vendor sa suki niyang si Renz, wika niya ay walong taon na raw siyang nagtitinda ng balut gamit lamang ang lumang bisekleta.

Sinabi rin ng balut vendor na ang kanyang kita mula sa kanyang mga paninda ay ginagamit din niya para sa panggastos ng kanyang asawa na may sakit.

Bukod sa binigay na Motorsiklo ay nagpaabot din ng pera ang grupo ni Renz nw JDP MCshop upang may magamit daw na pandagdag sa panggastoa ang naturang balut vendor.

Maraming netizen ang humanga sa ginawang kabutihan na ito ni Renz at ng JDP McShop. Ang ilang nga sa mga netizens ay nagpaabot pa ng magagandang komento at paghanga dito.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento,

“God bless you sir..sana madami pa kayo matutulungan.”

“Wow sobrang bait naman tong team nato saludo po ako sainyo.”

Panoorin sa baba ang kabuuang video