Usap-usapan ngayon sa sociel media ang isang kwentong na feature umano sa programa ng GMA na Kapuso Mo Jessica Soho, Ito ay ang tungkol sa kalagayan ng isang 6 na taong gulang na batang babae sa lugar ng Cebu.

Sinasabing ang 6 taong gulang bata ay isang malusog na bata noon ngunit ngayon ay tila hinang-hina na ito at halos Butot balat na lamang.

Mapapansin na tila nag iba talaga ang itsura nito ngayon kaya naman naglakas loob na ang mga magulang ng naturang bata na lumapit at humingi ng tulong sa “Kapuso Mo Jessica Soho”.

Mahirap lamang daw ang pamilya ng bata kaya naman wala silang kakayahan na ipagamot o ipasuri man lang ang kanilang anak.

Nakatira ang pamilya sa Sta. Fe, Bantayan Cebu. Ang nanay daw ng ng naturang bata ay walang trabaho kaya naman tanging inaasahan lamang nila ay ang sweldo ng kanyang mister na nagtatrabaho bilang isang construction worker.

Mayroon pang dalawang kapatid ang 6 taong gulang na batang si Ranelyn at panggitna siya. Kwento ng kanyang nanay, hindi nila malaman ang dahilan kung bakit ganon nalamang ang nangyari sa kanilang anak.

Sa tulong naman ng “Kapuso Mo Jessica Soho” kanilang ipinasuri ang bata sa isang espesyalista. Dinala ito sa isang øspital sa Lapu-Lapu City.

Agad naman itong sinuri ng døktor, sa sobrang payat daw ng bata ay nahirapan ang mga døktor na ikabit dito ang swero. Ayon dito nagcø-cøllapse daw ang mga ugat ng bata kaya nahihirapan silang ikabit ito.

Ayon sa pagsusuri ng døktor, ang dahilan raw ng pagpayat ng bata ay dahil sa bulåti. Kaya umano nagkaroon na ito ng matinding malnutrisyon dahilan ng pagkakaroon ng impéksyon.

Sinabi rin ng døktor na hindi umano mabuti ang lagay ng bata dahil bumaba na rin ang oxygen sa kanyang katawan.

Mababa rin umano ang bløod pressure ng bata. Sa kondisyon ng bata ay matatagalan pa umano bago bumalik ito sa dating pangangatawan.

Samantala, Nangako naman ang øspital na sasagutin ang lab test ng bata. Ngunit malaki daw ang magagastos ng pamiya dahil sa mga gamot na ibibigay dito.

Maging sa paglunok ng pagkain ay nahihirapan rin ang bata dahil sa dami ng singaw nito sa bibig. Marami naman ang nahabag sa kalagayan ng batang si Ranelyn. Umaasa naman ang pamilya ni Ranelyn na gumaling ito at bumalik na sa dating sigla.