Ang ating kaarawan ang pinakamahalaga at pinakamasayang araw para sa bawat isa, ito ang araw kung saan tayo ay nabuhay dito sa mundong ibabaw.

Ngunit ang lahat nga kaya ay masaya at Happy sa kanilang Birthday o kaarawan? Tulad na lamang ng isang pangyayari na nakuhanan ng video na ngayon ay kumakalat sa social media.

Ito ay matapos maantig ang mga netizen sa isang nanay na na-ispatang walang kasama na nagdidiwang ng kanyang kaarawan.

Ang naturang video ay ibinahagi ng Tiktok user na si @jhayvee44 kung saan ngayon ay viral sa social media hindi lamang sa tiktok maging sa Facebook.

Mapapanood sa video ang isang babaw na mag-isang nakaupo sa isang kainan na may dala-dalang cake.

 

Maya-maya lamang ay makikitang may kausao ito sa telepono at bigla nalamang itong naiyak at nailing matapos ang pakikipag usap sa telepono.

Makikita rin sa video na nilapitan siya ng waitress upang bigyan ng posporo para sindihan ang kanyang dala na cake habang sabay na pinupunasan ang kanyang mga luha.

Naunang lumapit ang waitress dahil napansin nitong umiiyak ang naturang babae habang kinakantahan ang sarili ng “Happy Birthday to you”.

Napansin rin ng nga taong kumakain sa naturang kainan na dahan-dahan binuksan ng babae ang kanyang cake at mag-isang kumakanta at sinasabayan ng palakpak.

Dahil nahabag ang mga taong naroroon, Nilapitan nila ang malungkot na babae upang maibsan ang lungkot na nararamdaman nito at sinabayan ito sa pagkanta at nagsilapitan ang mga ito.

Labis naman ang kasiyahan ng babae na makikita sa reaksyon nito. Dahil sa ginawang pagmamalasakit ng mga taong naroroon ay naibsan ang kalungkutan at pag-iisa ng babae.

Dahil sa naturang video na ito na kumalat sa social media, maraming netizen na nakapanood ang nagbigay ng kanilang reaksyon at komento ang karamihan at napaiyak sa kanilang napanood.

“When I was watching this video, I felt the rain in my eyes. Yung feeling na kahit minsan hindi ko naranasan magkaroon ng magulang, pero ramdam.”

“I can’t imagine myself doing that. She is trying to be happy by herself. That’s really sad. I cried a lot.”

“It’s really painful for me seeing a mother like that.”

“GRABE IYAK KOOO!!! AYAW KO MARANASAN NG MOMMY KO TO.”

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na mayroon tayong napanood na nakakaantig na kwento, marami ng mga nakakaantig na kaganapan na aktong nahuli cam ng mga concerned netizen at ini-upload sa social media para magbigay ng kaalaman at maging updated sa mga kaganapan sa lipunan.

Narito sa baba ang naturang viral video.