Hindi lubos akalain ng isang housewife mula sa bansang Amerika sa lugar ng Florida na makakatipid siya ng malaki sa kanyang simpleng ginagawa tulad nito.

Nakakatipid daw siya ng halos $1,500 o P75,000 kada-buwan sa pamumulot lamang ng pagkain sa basurahan o pagiging dumpster diver.

Nakilala ang Pinay na si Rona “Inday Roning”. Ang kanyang asawa ay isang amerikano at mayroon silang isang anak.

Samantala, Bukod sa kanyang pagiging part-timer ay mayroon din siyang sideline online na Youtube account na Inday Roning. Siyempre ang kanyang content ay ang pagiging dumpster diver.

“Hello, mga kaibigan, kalkal basura na naman tayo,” ito ang usual opening ni Inday Roning sa kanyang vlogs.

Sa kasalukuyan ay mayroon ng halos 150K subscribers ang Youtube Account ni Inday Roning.

Ang kanyang content ay ang kanyang pagiging dumpster diver kadalasan daw niyang mga nakukuha rito o nakakalakal ay mga prutas, gulay, meat, organic eggs, proccesed food gaya ng mga sausages, bottled juices, condiments at snacks.

At kung minsan raw ay mayroon din siyang nakukuhang mga gamit tulad ng make-up, chips, bags of chocolates, noodles, brand new novels at mga equipment na gamit sa buhok.

Ayon naman kay Inday Roning dahil raw sa kanyang pagiging dumpster diver ay nakakatipid siya ng $1,500 kada buwan o PHP75,000.

Si Inday Roning ay na feature din sa programa ng GMA7 na Eat Bulaga sa segment dito na “Bawal Judgemental” noong Mayo 2021, Kung saan kanyang ibinahagi ang pagiging dumpater diver at kung paano siya nagsimula sa trabahong ito.

“Naengganyo rin po ako dahil sa dami ng pagkaing tinatapon at nakikita ko rin sa daan.”
“Kasi nga maraming gamit na tinatapon, kaya po naengganyo po ako diyan sa dami po,” sabi ni Inday Roning.

Pagbabahagi ni Inday Roning, iniisa-isa raw niya ang pagchi-check sa mga dumpster sa kanilang lugar.

Aniya, ang mga dumpster na malapit sa grocery stores at supermarkets ang naglalaman ng mga bagay na importante at mapakikinabangan pa.

Dagdag pa niya minsan raw ay may nakakasabay pa raw siya na dumpster diver sa isang lugar ngunit mayroon silang rules na “First come, first serve” pagdating sa pagkalkal.

Sinabi rin ni Inday Ronin na mayroon daw silang bigayan ng kanyang mga kapwa Dumspter divers.

Marami naman ang nagtatanong kung saan napupunta ang pagkaing nakakalakal niya?

 

“Dito sa kusina po, kinakain po namin,” sagot ng Pinay.

Sinabi rin niya na naglalagay rin daw siya sa mga blessings boxes kung

saan lahat ng lahi ay maaaring makakuha ng libreng pagkain kabilang na ang mga kababayan nating Pilipino.

Para naman sa mga pagkain o snacks na bukas na raw ay pinapakain nila ito sa mga hayop o kaya naman ay ginagawang pataba sa mga hardin.

Sa naging interview naman ni Inday Roning noong Agosto 28,2021 sa GMA News at sa reporter na si Saleema Refran dito niya ibinahagi kung bakit niya naisipan na maging dumpster diver.

“Tinitingnan lang po namin yung laman ng dumpsters. So, pagtingin namin, marami palang gamit na mapakinabangan pa, kaya na-entice po kami at na-inspire po na pupuntahan ang ibang basurahan din,” sabi niya.

“Never pa po kaming nabobokya sa pamamasura namin, sobrang dami po talaga. Hindi ko mabilang [worth of ] thousands of dollars talaga yung mga waste, foods, mga gamit dito. Sobrang dami mga prutas mga gulay, mga itlog. Hindi lang mga pagkain, mga hotdog…” dagdag pa niya.

Naitanong din sa asawa ni Inday Roning kung ano ang masasabi nito sa ginagawa ng kanyang maybahay, ani Chris Meloche,

“My wife is a very good cook, [she] saves money. It’s pretty cool. She helps save money, our food budget. It stops the stuff from being wasted, just going to the dump, and get thrown to the garbage… vegetables, sometimes pizza, sometimes hotdogs.”

It’s many different things. It’s never the same thing all the time. So, it’s kinda interesting. I’m proud of her. She’s doing a great job, she’s really enjoying,” dagdag nito.

Para naman kay Inday Roning, hindi raw siya nag-aalala kung marumi o sira ang maiuuwi nitong pagkain dahil wika niya kahit kailan daw ay hindi pa ito nangyayari simula ng siya ay maging dumpster diver.

“Never po kaming nakadala ng pagkain na sira na dahil we make sure po na yung pagkain is nakabalot, never been opened. At lalung-lalo na, gabi po kami nagpupunta sa basurahan, kinukuha po namin yung mga bagong tapon.”

Pagapapatuloy ni Inday Roning, pagkadating daw agad sa kanilang bahay kasama ang mga napulot na pagkain ay agad nila itong lilinisin gamit ang baking soda at suka.

Una niya raw titignan sa mga ito ay ang mga expiration dates ng mga pagkain upang matiyak na ito ay ligtas pa kainin.

Tanong naman ng reporter kung hindi ba raw siya nasisita o pinagbabawalan?

Aniya, “Huwag ka lang pumunta sa mga, ‘No trespassing,’ kasi yung mga areas, may mga no-trespassing [signs]… Pero [ang] dumpsite diving, di bawal.”

Samantala, sa isang video na in-upload ni Inday Roning habang siya ay nangangalakal mayroon isang guard o staff sa kalapit na establisyimento ang sa kanya ay lumapit at may inabot.

“Thank you so much. Appreciate it,” maririnig na sabi ni Inday Roning sa staffer.

Sa laki ng natitipid ni Inday Roning at ng kanyang asawa sa pagkain, ang iniisip na lamang nilang gastusin ay gatas at vitamins para sa kanilang anak.

Ayon pa kay Inday Roning, wala raw dapat ikahiya sa kanyang ginagawa.

“So iyan, mga kaibigan, diskarte lang iyan. Hindi tayo mahihiya. Bakit tayo mahihiya? Hindi naman tayo mag-feeling datu,” sabi ni Inday Roning sa isa sa kanyang mga videos

Naikwento rin niya na siya ay galing sa mahirap na pamily, lumaki raw si Inday Roning sa pagsasaka kaya naman maaga palamang ay natuto na tong dumiskarte sa buhay.

Sa interview ay naluha si Inday Roning. Paliwanag niya, “Dahil sa dami ng pagkaing tinatapon. Inisip ko rin yung iba, wala silang kinakain.

“At saka yung dumpster diving, it really comes from my heart, na kami po family ko, nag-grow po kami sa farm. So, yung tinatanim namin, yun po ang aming konsumo. Yun yung aming every-day living.”

Saad pa niya, “Habang nabubuhay pa po ako, I will save food from the dumpster.

“I am very proud po.”

Source: PEP