Sa hirap ng buhay ngayon, tunay na nakakabilib ang mga taong sagad sagarang mag-banat ng buto upang kumita ng pera sa malinis na pamamaraan.

Nariyan ang mga pagbebenta ng iba’t ibang pagkain o produkto sa social media o kaya man ay paglalako mismo sa daan.

Likas na mahilig ang mga Pinoy sa street foods. Bukod sa abot kayang presyo, masarap pa ito.

Samantala, kadalasan ang mga nagtitinda nito ay tila ba minamaliit at ibinababa ang respeto lalo na ng mga may kapangyarihan.

Kagaya na lamang ng isang kawawang lolo na nagtitinda ng balut sa Colon Street sa Cebu City.

Umikot sa social media ang kaniyang mga larawan habang pinupulot ang mga panindang balut na nagkalat at nagkabasag basag sa lapag dahil sa kagagawan ng otoridad. Ang post ng netizen na ito ay dumurog sa puso ng karamihan.

Nagsagawa ng clearing operation ang mga otoridad sa mga kalye at nagsimulang mangumpiska. Isa sa nakuha ay ang kariton ng lolong ito.

Labis na nagulat maging ang mga nakasaksi sa ginawa ng mga may kapangyarihan.

Imbis na daanin sa matinong usap ay basta na lamang itinapon ang mga paninda nito.

Saad’ pa ng netizen, nakita din daw nila kung paano itrato ng mga otoridad ang mga nagtitinda na tila inaapakan na nila ang kanilang pagkatao.

Mayroon ding pagkakamali ang mga nagtinda dahil alam nila na sila ay huhulihin ngunit sa kabilang banda, tanging pagtitinda lamang ang bubuhay sa kanilang pamilya.