Ang tunay na pagmamahal ay may kaakibat na responsibilidad at pagsasakripisyo.

Sa hirap ng buhay sa Pilipinas, hindi na nagiging sapat ang mga trabaho sa bilang ng mga empleyado bukod pa ditto ay ang mababang pasweldo.

Itinuturing na mga bayani ang mga OFW dahil sa pagtitiis ng mga ito sa ibang bansa upang mayroong maipadalang pera para sa kinabukasan ng kanilang mga pamilya.

Samantala, ang tanging hiling lamang nila ay ang mauuwiang tahanan at mainit na pagtanggap ng mga taong nalayo sa kanila ng ilang mga taon.

Ngunit nakakadurog nga naman ng puso ang sinapit ng dating OFW na si Tatay Rosmar. Kwento niya, tuluyan na siyang ipinagtabuyan ng kaniyang asawa sa Cebu dahil may iba na daw itong kinakasama.

Hindi agad nakauwi si Tatay Rosmar sa Cebu nang siya ay umuwi sa Pilipinas. Pinapunta daw muna siya ng kaniyang asawa sa Bulacan dahil mayroong sakit ang kanilang kamag- anak.

Dahil inabutan na ng ECQ si Tatay Rosmar, nagtagal ang kaniyang pananatili sa Bulacan.

Sa kaniyang pananatili sa Bulacan ay nakatanggap siya ng text mula sa kaniyang asawa na nagsasaad ng “Wag ka na bumalik dito sa Cebu, ayoko na sayo may iba na akong gusto”.

Tila ba’y planado na ang lahat upang tuluyan siyang hindi makauwi sa Cebu.

Mayroong nagmalasakit na netizen ang tumulong sa kaniya at ipakalat ang kaniyang kwento sa social media noong June 23.

Dahil nag viral ang kaniyang post, madami ang nagnais na mag- abot ng tulong kay Tatay Rosmar upang makauwi na ito

Kaawa-awa talaga sitwasyon ni tatay. Tignan ko pa lang ang kalagayan mo naiiyak na ako dahil sa ginawa ng pamilya mo sayo.

Ganyan talaga ang iba, pag wala ng pera ang OFW binabalewala lang nila. Pero pag nagta-trabaho pa may pakinabang pa sa kanila. God bless you tatay sana makauwi ka na.”