Samantala bago pa man nakilala ang mga artista ngayon tulad nina Ivana Alawi at Kim Domingo at marami pang iba ay una nating nakilala bilang “Pantasya ng Bayan” walang iba kundi ang séxy actress na si Joyce Jimenez.

Dekada 90 nang makilala at kagiliwan si Joyce Jimenez ng maraming Pilipino. Dahil na rin sa taglay niyang kagandahan at angking kaseksihan isa pa dito ay ang galing niya sa pag-arte at pagganap sa mga Pelikula na kanyang kinabibilangan noon.

Isa nga sa mga Pelikula ni Joyce na tumatak sa masa ay ang pelikulang “Warat” kasama niya dito si Jomari Yllana.

Ang isa pa ay ang romantic comedy na may pamagat na “Ano Bang Meron” kasama si Diether Ocampo.

Nakasama niya din sa Pelikula ang dating Matinee Idol na si Aga Muhlach sa pelikulang “Narinig mo na ba ang L8test?”.

Isa rin si Joyce sa mga magagaling na aktres na napasama sa Pelikulang “Pinay Pie” kasama sina Ai-Ai delas Alas at Assunta De Rossi.

Ngunit hindi lang sa pag-arte nakilala si Joyce dahil isa siya sa pinaka sikat dating modelo sa bansa at taong 2007 ang kanyang kahuli-huliang magazine cover sa FHM.

At hindi nagtagal taong 2008 nang ikasal siya sa boyfriend na Fil-Am na si Paul Ely Egbalic na isang miyembre ng United States Air Force.

Ang mag-asawang Joyce at Paul ay nabiyayaan ng tatlong anak at ito ay pinangalanan nilang Jorja Ely, Jaysen Elise at Julian Elysson.

Hindi magkakalayo ang edad ng tatlo nilang anak, ang mga ito ay may edad na Sampu (10), Siyam(9), Anim(6).

Ang kanilang bunsong si Julian ang kaisa-isa nilang anak na lalaki at ang kanilang dalawang anak naman ay may sakit na “Autism” kung kaya naman isa sa adbokasiya ng dating pantasya ng bayan na si Joyce ay ang magbigay ng kaalaman tungkol dito.

Makikita naman sa mga larawan na kahit pa tatlo na ang anak ni Joyce ay napakaseksi pa rin nito at ayon naman sa kanya ay hindi niya talaga pinababayaan ang kanyang katawan at kalusugan.

Samantala, kung maaalala ay taong 2016 naman ng siya ay huling masilayan sa telebisyon at makita ng kanyang mga tagahanga ng siya ay dumalo sa kasal ng kanyang matalik na kaibigan na si Ruffa Mae Quinto.