Isa sa mga ayaw o ‘insecurities’ ng mga babae ay ang pagkakaroon ng maitim na kilikili o ‘dark underarms’.

Kadalasan kasing suot ng mga kababaihan ay sleeveless dahil ito ay mas komportable sa kanila. Lalo na sa ating bansa dahil tayo ay nasa tropical country.

Subalit ang karamihan sa atin ay nagtitiis magsuot ng damit na mahahaba ang manggas dahil hindi sila confisent itaas ang kanilang mga braso.

Samantala, para sa mga Pinay na mayroong maiitim na kili-kili bakit hindi niyo itry ang paggamit ng baking soda?

Kahit pa walang scientific proof mula sa mga eksperto na nakakaputi ito ng Kili-Kili dahil ss “alkaline substance” nito , wala naman itong epekto na magkaroon ng mga rushes o sugat sa ating mga balat sa halip ay mayroon pa itong ‘soothing effect’.

Lagi rin paalala sa atin na ang parti ng katawan na kili-kili ay isang ‘sénsitivé part’ ng ating balat at ito ay exposed sa friction, kaya naman kinakailangan natin mag-ingat at mapanuri sa paggamit ng mga produkto.

Ang paggamit ng baking soda ay mas maganda sa balat dahil ito ay mas malambot sa pakiramdam at mas epektibo sa pagtanggal mga ‘déad skin célls’.

Narito naman ang mga mixture na kayang-kayang gawin with popular baking leavener as the main ingredient.

BAKING SODA + CORNSTARCH

1. Gumawa ng paste sa pamamagitan ng paghahalo ng isang kutsarang baking soda, isang kutsarang cornstarch, at isang kutsaritang cucumber juice.
2. I-apply ito sa kili-kili, saka patuyuin.
3. Hugasan ito sa pamamagitan ng malamig na tubig.
4.Gawin ito dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo.

Kung walang cornstarch ay maaari ka din gumamit ng coconut oil.

BAKING SODA + COCONUT OIL

1.Gumawa ng paste sa pamamagitan ng paghahalo ng isang kutsarang baking soda at coconut oil.
2. I-apply ito bilang scrub sa kili-kili, saka ibabad for 15 minutes.
3. Gawin ito dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo.

Narito pa sa baba ang maaaring gamitin kasama ng baking soda.

BAKING SODA + LEMON JUICE

1. Gumawa ng paste sa pamamagitan ng paghahalo ng isang kutsarang baking soda at juice mula sa kalahating lemon.
2. I-massage ito sa kili-kili sa loob ng isang minuto.
3. Patuyuin sa loob ng 20 minuto.
4. Hugasan sa pamamagitan ng malamig na tubig.
5. Gawin ito dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo.

BAKING SODA + WATER

1. Gumawa ng paste sa pamamagitan ng paghahalo ng dalawang kutsarang baking soda at isang kutsaritang tubig.
2. I-apply ito bilang scrub sa kili-kili sa loob ng isang minuto.
3. Ibabad at patuyuin sa loob ng 25 to 30 minuto.
4. Hugasan sa pamamagitan ng maligamgam na tubig.
5. Gawin ito dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo.

At ang huli ay ang paggamit ng baking soda at ng gatas o ‘milk’.

BAKING SODA + MILK

1. Gumawa ng paste sa pamamagitan ng paghahalo ng isang kutsarang baking soda at gatas.
2. I-apply ito bilang scrub sa kili-kili, saka patuyuin.
3. Hugasan sa pamamagitan ng maligamgam na tubig.
4. Gawin ito dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo.

Samantala, may ilang netizen naman ang nagcomment na nasubukan na nila ang ganito at hindi sila nabigo dahil sa kanilang ilang linggong paggamit ng baking soda ay agad nilang naki ang magandang ‘improvement’ sa kanilang kili-kili.

Source: OnlyMyHealth