Halos buong social media platform sa bansa ngayon ay usap-usapan ang tungkol sa mga kilalang artista na si Paolo Contis at Yen Santos, una na ay si Paolo kung saan ay in-unfollowed ang kanyang live-in partner na napapabalitang hiwalay na ang dalawa ang sumunod naman ay si Yen Santos kung saan ay inalis ang lahat ng kanyang pina-follow sa Instagram.

Kamakailan lamang ay ipinalabas na ang Pelikula nina Paolo Contis at Yen Santos sa Netflix na “A Far Away Land”.

Tinatayang nasa 2 million followers at 148 na post ang Instagram account ni Yen subalit sa ngayon ay wala na ni-isa nang pina-follow si Yen.

Makikita naman sa account ni Yen ang huli niyang post kung saan pino-promote niya ang kanilang Netflix Film ng aktor na si Paolo Contis.

Narito ang naturang post ni Yen sa kanyang Instagram Account,

β€œIt just feels natural with you. – Majhoy #AFarawayLand streaming tomorrow!”

Isa pa sa mga nai-post ng aktres sa kanyang Instagram story ay ang isang Calamansi Juice kung saan naka-tag si Paolo Contis.

Maraming netizen sa social media ang nagsasabing ang isyu ni Paolo at ang pag unfollowed ni Yen Santos sa lahat ay para daw pag-usapan ang kanilang Movie.

May ilan naman na nagsasabi na hindi movie promo ang nangyayari, ito raw ay totoo dahil lahat daw ng larawan ni LJ at ng anak nito kay Paulo Avelino ay binura ni Paolo Contis sa kanyang Instagran Account.

Samantala, kung ikaw ang tatanungin movie promo nga kaya ito? O totoo ang lahat ng napapabalita sa dalawang artista? Nakatulong nga kaya ang mga isyu nila para sa kanilang Movie?