Isang Negosyante na mula pa sa Ilocos Norte ang labis ang kasiyahan dahil sa tagumpay na kanyang nakamtam, Dahil sa kanyang puhunan na may halagang P5,000 para sa panindang palaman ang kanyang buhay ay biglang yaman.

Ayon mismo sa naging ulat ng GMA News na “Unang Hirit” nito lamang lunes, nakilala ang naturang negosyante na si Tom Daquiaog na siya rin may ari ngayon ng Don Isabelo Creamy Spread.

Taong 2016 raw nang mapagdesyunan niyang gamitin ang P5,000 sa kaniyang wallet para ipang-puhunan sa pag sisimula ng kaniyang negosyong palaman na yema.

Nang mga panahon raw kasi na yon ay uso ang yema cake kaya naman gumawa siya ng kanyang sariling bersyon na yema spread.

Ang lahat daw ay hindi naging madali sa una kaya naman pinag-aralan niyang mabuti ang tamang timpla ng kanyang palaman.

Ayon pa kay Tom siya raw ang gumagawa ng lahat ng siya ay nag sisimula, mula sa pagbili ng mga sangkap, paggawa, pagbebenta at maging sa pagdedeliver ng mga produkto.

Habang tumatagal ay nadadagdagan ng flavor ang kanyang palaman, mula sa Yema spread ngayon ay mayroon na rin na ube halaya, mango caramel at matcha.

Naranasan rin daw ni Tom ba malugi noon dahil napapanisan siya ng produkto. Ngunit imbes na panghinaan ng loob at maglugmok nag-aral siya kung paa o mapapatagal ang produkto para hindi kaagad mapanis.

Sa kasalukuyan ay marami ng tauhan si Tom sa kanyang negosyo at nakapagpundar na rin siya ng mga ari-arian tulad ng bahay at lupa at maging mga sasakyan