Naantig ang puso ng mga netizen sa isang kwento na ibinahagi sa social media ng Facebook user na si Aldi Relano.

Kanyang ibinahagi ang isang video kung saan kinuhanan niya ng palihim ang kanyang ama na naisipan niyang sundan kung saan gumigising palagi ang Ama niya ng alanganing oras.

Halos alanganin oras daw palagi bumabangon ang kanyang ama, aniya hindi na nga nila ito nakakasabay sa hapag-kainan dahil sa tuwing aayain nila ito ang palaging sinasabi na siya ay busog.

Ngunit doon napagtanto ni Aldi na ang kanyang Ama ay nagpapaubaya lamang sa ulam at pagkain kaya hindi ito sumasabay sa kanila.

Nasaksihan kasi ng kanyang dalawang mata na ang tanging kinakain ng kanyang ama ay bagoong at sibuyas lamang.

Ang ama raw niya ay hindi nakabalik pa ng trabaho simula ng ito ay madisgrasya sa kalsada.

Aniya ni Aldi,

“Si papa kasi nasagasaaan ng truck noong MARCH 18, 2021 na hanggang ngayon ay wala pang nangyayari sa kanyang kaso. Ang pagkaalam ko ay di pa tapos mag-aanim na buwan na hanggang ngayon halata ko kay papa na hirap siyang kumilos dahil sa kanyang pilay na hindi pinapahalata sa amin mag kapatid.”

Kaya naman ng malaman ito ni Aldi ay halos maiyak siya dahil sa ginagawang sakripisyo ng kanyang Ama, Siguro daw ay nahihiya ang kanyang Ama na wala siyang magawa para makatulong o maghanap buhay, kaya naman hindi nalamang ito dumadagdag sa gastusin sa pagkain kaya daw ito ay nagpapaubaya na lamang.

Dahil sa ibinahaging video na ito ni Aldi ay maraming netizen ang naantig ang damdamin sa Ama ni Aldi, Wika nga ng netizen ay lahat ay kayang tiisin ng Ama para sa kanyang mga Anak.

Dasal naman ng mga netizen na sanay gumaling na ang Ama ni Aldi at makabalik na ito sa trabaho.